Ang prutas na orange ay kilala sa pagkakaroon ng citrus na lasa at may mataas na vitamin C content na nakakabuti sa ating kalugan at balat. Ngunit kadalasan, kapag binalatan natin ito ay itinatapon na natin agad ang balat.
Pero alam niyo ba na marami pa palang pwedeng pag-amitan ang pinagbalatan ng orange? Narito at alamin ninyo at tiyak na mapapaisip kayo kung itatapon niyo pa ang mga balat ng orange.
1. Nakakatulong magpaputi ng ngipin
Ang orange peel ay nagtataglay ng compound na d-limonene na nakakatulong tanggalin ang mga paninilaw sa ngipin. Ang gagawin mo lamang ay ikuskos ang loob ng balat ng orange sa iyong ngipin sa loob ng 2 minuto at saka magmumog pakatapos.
2. Tea na gawa sa balat ng orange para pampabawas ng timbang
Ang balat ng orange ay mayaman sa antioxidant at vitamin C na nakakatulong magpabawas ng timbang. Upang makagawa ng tsaa, patuyuin ang mga balat ng orange sa malamig at tuyong lugar. Pakuluin ang mga dried orange peel sa 2 tasang tubig. At inumin ang tsaang ito 2 beses sa isang araw.
3. Nakakatulong magpababa ng kolesterol
Ang balat ng oranga ay nakakatulong bawasan ang mga "bad" cholesterol sa iyong katawan. Dahil mayaman ito sa pectin, isang natural soluble fiber na kayang bawasan ang kolesterol at ikontrol ang blood pressure. Uminom ng tsaa na gawa sa pinakuluang balat ng orange.
4. Nakakatulong maiwasan ang constipation
Ang paginom ng tsaa na gawa sa balat ng orange ay nakakatulong iimprove ang digestion o ang pagtunaw ng pagkain. Ang fiber na taglay nito ay mainam para sa paglago ng friendly bacteria sa iyong bituka upang magkaroon ng maaayos na digestion at pagbabawas at maiwasan ang mga karamdaman gaya ng constipation, indigestion, heartburn, at bloating.
5. Pwedeng gamitin bilang air freshener
Ang balat ng orange ay mayroong aroma na sweet at citrus na mabisang gamitin bilang air freshener. Pakuluin lang ang mga pinagbalatan na orange sa loob ng 10 minuto. Palamigin ng kaunti bago ilipat sa isang spray bottle. Gamitin itong pang-spray sa banyo, kusina, o kahit saan mo gusto.
6. Pangontra sa mga lamok
Ayaw ng mga lamok o insekto ang citrus na amoy ng balat ng orange. Kaya mabisa itong gamitin pangontra sa mga ito. Maaaring ipahid ang loob ng fresh na orange peel sa iyong balat upang maiwasan kang dapuan ng lamok.
7. Pampawala ng pagkahilo
Ang amoy ng orange ay ginagawang aromatheraphy upang marelax ang iyong katawan. Kung ikaw ang palaging nahihilo sa biyahe, magbaon ka ng orange at saka amoy-amuyin ang balat nito upang marelax ang iyong pakiramdam.
Ano ang gamot pg my hepa k
ReplyDelete