Ang bangus ay karaniwang isda na paborito sa hapag-kainan ng mga pamilya Pilipino. Paborito ito ng lahat mapa-bata man o matanda dahil sa taglay na sarap nito at dahil sa benepisyo na naibibigay nito sa ating katawan. Bukod pa diyan ay maaari rin itong gamitin bilang pangunahing sangkap sa maraming putahe.
Narito ang mga health benefits na maaaring makuha sa pagkain ng Bangus:
1. Nagpapalakas ng ating mga buto
Ang bangus ay mayaman sa bitamina, mineral, at nutrients. Lalo na ang vitamin D, calcium, at phosphorus na tumutulong upang magkaroon ng matibay na buto.
2. Pang-iwas sa implamasyon
Isa ito sa mga best source ng omega 3 fatty acids na nakakatulong para makaiwas sa pagmamanas at implamasyon.
3. Nagpapaganda ng kondisyon ng puso at kidney
Ang bangus ay sagana rin sa vitamin B12 na kailangan ng katawan upang makaiwas sa mga sak!t sa puso at nakakatulong sa ating mga kidneys upang ilabas ang mga excess waste ng katawan.
Ngunit nagsawa ka na ba sa paulit-ulit na luto ng bangus gaya ng sinigang, paksiw, at inihaw? Lagyan ng konting twist ang iyong pagkain at subukan ang putaheng ito na tiyak ay nakakatakam sa iyong panlasa. Ang kalderetang bangus!
Sangkap na gagamitin sa Kalderetang Bangus:
1 kilo bangus
2 malaking pirasong patatas
1 paketeng kaldereta mix
1 berde o pulang bell pepper
1/2 kutsarita red chili flakes
1 tasa ginadgad na cheddar cheese
1/4 bawang
1 maliit na sibuyas
2 piraso bay leaf
asin at paminta
cooking oil
Hakbang paano lutuin ang Kalderetang Bangus:
- Linisin at pagpira-pirasuhin ang mga bangus
- Pahiran ng asin at paminta, hayaan ito sa loob ng 5 minuto
- Painitin ang mantika sa kawali at iprito ang pinirasong bangus sa loob ng 5-10 minuto hanggang maging golden brown ito
- Gamit ang kawali, lagyan ng 2-3 kutsarang mantika at igisa ang hiniwang bawang at sibuyas
- Lagyan ng 3-3 1/2 na tasang tubig at ihalo ang kaldereta mix, chili flakes, at ginadgad na cheese sa loob ng 3 minuto hanggang kumulo ito
- Ilagay ang piniritong bangus ay hayaan pang kumulo hanggang 3 minuto
- Ilagay ang patatas at bell pepper at hayaan pa ng tatlong minuto hanggang maluto
- Maghanda na sa hapag-kainan
Comments
Post a Comment