Ang Urinary Tract infection o mas kilala sa tawag na UTI ay pinakamalimit na sakit na nakukuha lalo na ng mga kababaihan. Ano mang impeksyon sa parte ng Urinary System ay tinatawag na UTI. Ang mga pinakamadalas na magkaroon ng impeksyon sa urinary system ay ang bladder at urethra. Ang mga impeksyon na ito ay maaaring magdulot ng matinding sakit. Ang epekto ng lumalang impeksyon sa urinary system ay ang pagkalat ng UTI sa kidneys.
Maaari ninyong subukan ang mga home remedies na ito kung kayo ay may UTI:
1. Uminom ng tamang dami ng tubig
Ang paginom ng tamang dami ng tubig ay makatutulong upang mailabas ang mga bakterya na nakuha ng ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.
2. Umihi ng madalas
Ang pag-ihi ng madalas ay makakaiwas sa pamumuo ng bacteria sa iyong ihi na sanhi ng pagkakaroon ng UTI. Ang pag-ihi ng madalas at tuwing ikaw ay naiihi ay nakakapagpabawas ng posibilidad na magkaroon ng UTI.
3. Pagsuot ng maluluwag na damit pang-ibaba
Ang pagsuot ng maluluwag na damit pang-ibaba ay nakakatulong upang pumasok ang hangin sa maseselang bahagi ng katawan na siyang dahilan upang mapanatiling tuyo ang parteng ito ng katawan. Ang pagsuot ng mga telang gawa sa nylon o mga masisikip na pantalon ay maaaring maging sanhi ng pagkakulob ng moisture sa loob ng pang-ibabang damit na siyang dahilan ng pagdami ng bacteria dito.
4. Hot compress o Hot water bag
Ang hot compress ay makatutulong sa pagbawas ng pamamaga sa pamamamagitan ng maayos na pagdaloy ng dugo sa babang parte ng tyan Paano gumawa ng hot compress? Kumuha ng isang maliit na twalya at ibabad sa mainit na tubig o kaya naman mainit na water bag at ilagay ito sa babang parte ng iyong tyan sa loob ng 25-30 minutes (panatilihing mainit ang temperatura nito.)
5. Paggamit ng bawang upang maiwasan ang impeksyon
Ang paggamit ng bawang ay itinuturing na herbal anti biotic na kung saan nakatutulong ito sa pagkontrol sa mga nakuhang bakterya at para ito ay maalis. Maaari kang gumawa ng tea sa pamamagitan ng pagpapakulo ng bawang na may tubig at saka gawing tsaa.
Comments
Post a Comment