Skip to main content

Limang Paraan Para Guminhawa Ang Karamdaman Dahil Sa Heartburn!


Naranasan niyo na ba na pagkatapos niyong kumain ay parang nakaramdam kayo ng pag-aapoy o mabigat ang inyong dibdib? Maaaring dulot iyan ng heartburn. Ito ay isang karaniwan na problema na nagdudulot ng mabigat na pakiramdam na parang nag-aapoy ang iyong dibdib. 

Ito ay dulot ng mga ac!dic juices sa ating tiyan na umaakyat papunta sa ating esophagus o lalamunan. Ang ibang sintomas nito ay maaaring pagduduwal, pamamaga ng tiyan (bloating), kabag, at kahirapan sa paghinga. 
Samantala, mayroon namang mga natural na home remedies na mura na at maaari mong subukan upang guminhawa ang pakiramdam sa pagkakaranas ng heartburn:

1. Baking Soda

Ang baking soda ay isa sa mga epektibong paraan upang masolusyonan ang heartburn. Ito ay isang natural na antacid, na kayang i-neutralize ang mga asido sa iyong tiyan at mabigyan ka ng agarang ginhawa. Maaaring maghalo ng 1 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig at inumin ito 2-3 beses araw-araw kung kinakailangan. 

2. Aloe Vera

Ang aloe vera juice ay mainam sa pagkontrol ng heartburn sa pamamagitan ng pagbabawas ng implamasyon at pinapaginhawa ang iyong tiyan dahil mayroon itong cooling effect. Nakakatulong din ito sa maaayos na digestion ng iyong tiyan.

3. Pineapple Juice

Ang pinya ay nagtataglay ng sangkap na bromelain, isang enzyme na tumutulong kontrolin ang mga asido sa iyong tiyan. Nakakatulong ang pag-inom ng pineapple juice pagkatapos kumain upang mabawasan ang pagkaranas ng hyperacidty at heartburn. 

4. Mansanas

Makakatulong ang pagkain ng ilang hiwa ng mansanas upang pakalmahin ang ac!d production sa iyong tiyan at bawasan ang burning sensation na nagdudulot ng heartburn. Dahil ang mansanas ay kayang i-neutralize ang mga asido sa iyong tiyan.
5. Luya

Ang paggamit ng luya para maibsan ang karamdaman sa heartburn ay isa na sa mga pinakamatagal na ginagamit ng remedyo. Dahil may kakayahan itong i-absorb ang asido sa iyong tiyan at pakalmahin ang mga ugat sa katawan na nagdudulot ng heartburn.
  • Maglagay ng isang kutsaritang ginadgad na luya sa isang basong kumukulong tubig
  • Salain matapos kumulo at ilipat sa isang baso
  • Maaaring magdagdag ng lemon juice para sa lasa
  • Inumin ito sa oras na nakaranas ka ng hindi pagkatunaw
Narito pa ang ilang mga paraan upang mabawasan ang pagkakaranas ng heartburn at matanggal ito agad:

  • Magmaintain ng tamang timbang
  • Magsuot ng maluwag na damit upang mabawasan ang pressure sa iyong tiyan
  • Umiwas sa mga carbonated drinks gaya ng softdrinks at mga pritong pagkain
  • Iwasan ang humiga agad pagkatapos kumain. Maghintay ng 1 oras bago humiga
  • Kumain ng pakonti-konti at iwasan ang maramihang pagkain
  • Kung patuloy kang naaabala ng heartburn, ikonsulta na ito sa iyong doktor


Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…