
Ang eczema ay isang kondisyon sa balat na kung saan nagdudulot ito ng pagka-dry, pamumula, pamamaga, matinding pangangati, pagsusugat at pagkakaroon ng mga blister. Iba't ibang parte ng katawan ang maaaring maapektuhan nito gaya ng mukha, kamay, siko, mga singit sa katawan at iba pa.
Sinasabing ang eczema daw ay nasa lahi o namamana, ngunit mayroon ding mga possibleng dahilan na nakakapagdulot nito gaya ng allergens sa kapaligiran, paggamit ng mga matatapang na produkto, at stress.
Magastos ang magkaroon ng ganitong kondisyon sa balat dahil may kamahalan ang mga gamot na ipinapahid dito. Ngunit mayroon din namang natural na paraan upang malunasan ito. Narito at alamin ninyo!
1. Oatmeal
Ang oatmeal ay nakakapagpabawas ng iritasyon, pamamaga, at mayroon itong soothing effect sa balat na mabisang pantanggal ng pangangati.
Paano gawin at gamitin:
- Gumamit ng pinong-pinong ground oatmeal at lagyan ng maligamgam na tubig
- Maaaring ibabad ang parte ng katawan na mayroong eczema sa loob ng 15 to 20 minuto
- Dampiin ng pakonti-konti ang balat upang matuyo saka pahiran ng moisturizer
Narito ang ibang paraan paano gamitin ang oatmeal:
- Maglagay ng isang kutsarang malamig na gatas at dalawang kutsarang oatmeal sa isang maliit na lalagyan
- Paghaluing mabuti upang makagawa ng paste
- Ipahid ito sa apektadong parte at hayaan sa loob ng 20 minuto saka hugasan ng tubig
- Gawin ito 3-4 na beses sa isang linggo hanggang makita ang resulta
2. Coconut Oil
Ang coconut oil ay mayroong antifungal, antibacterial, at antimicrobial na kakayahan at karaniwang ginagamit upang gamutin ang eczema. Mayroon din itong bitamina K at E na mabisang panlaban sa matinding pangangati.
Paano gawin at gamitin:
- Ipahid lamang ang virgin coconut oil sa apektadong parte maraming beses sa isang araw para maibsan ang pangangati.
- Maaari mo rin itong gawing moisturizer pagkatapos mong ginawa ang oatmeal bath
3. Luyang Dilaw o Turmeric
Ang turmeric ay mayroong antioxidant properties na mabisa upang gamutin ang mga sak!t sa balat gaya ng eczema. Ito ay nagtataglay ng curcumin na nakakatulong lunasan ang implamasyon at pangangati.
Paano gamitin at gawin:
- Magpakulo ng 1/2 kutsaritang turmeric sa 1 tasang tubig sa loob ng 10 minuto
- Hayaan muna itong lumamig bago ipangbanlaw sa apektadong parte
- Maaari ring maghalo ng 1/2 kutsaritang dinikdik na turmeric o powder at kaunting gatas upang makagawa ng paste.
- Ipahid sa mga parteng mayroong eczema 2 beses sa isang araw upang mabawasan ang pamumula at pangangati
4. Aloe vera
Ang gel na mula sa aloe vera ay mayroong cooling at soothing properties na pwede para sa balat na mayroong eczema. Ito rin ay mayroong kakayahan bawasan ang implamasyon at antimicrobial properties upang maiwasan ang paglala ng impeksyon. Nakakatulong din itong gawing hydrated at moisturized ang balat.
Paano gawin at gamitin:
- Kunin ang gel sa isang dahon ng fresh aloe vera
- Magpatak ng kaunting vitamin E oil saka ipahid sa apektadong parte
- Hayaan itong matuyo sa balat bago hugasan sa maligamgam na tubig
- Gawin ito 2 beses sa isang araw
5. Pipino
Ang pipino ay may kakayahang alisin ang pagiging dry ng balat at may anti-imflammatory properties na mabisa sa pantanggal ng implamasyon.
Paano gamitin at gawin:
- Maghiwa ng maninipis na slices ng pipino at ilapat ng direkta sa apektadong parte
- Iwanan sa loob ng 15 minuto
- Gawin 3-4 na beses araw-araw
Ilan lamang ito sa mga natural na paraan upang malunasan ang eczema. Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ito ay ang tamang pangangalaga ng katawan at prebensyon upang hindi na lumala ang iyong kondisyon.
Comments
Post a Comment