Karamihan sa atin, ang tahanan ay sagradong lugar, komportable, at pinakaligtas na lugar kung saan ginugugol ang bawat araw ng may tuwa sa mga labi. Gayunpaman, minsan naiisip natin na ang ating tahanan ay puno ng negatibong enerhiya at nakakaramdam ng lungkot nang walang anumang particular na dahilan. Ang itinuturing na rason ay ang negatibong enerhiya na naipon sa loob ng tahanan na nakakaapekto sa iyong kalooban, emosyon, at pangkalahatang kalusugan.
Ang negatibong enerhiyang ito ay mahirap makita at sa kaparehong kadahilanan mahirap rin itong paalisin. Kaya kapag ikaw ay nalulungkot, nakakaramdam ng negatibo, sumpungin o malungkot, kung gayon ang bahay mo ay napapalibutan na ng mga masasamang enerhiya na kailangan ng alisin!
Para maalis ang negatibong enerhiya, gusto naming imungkahi sa iyo ang mga simple o pinakamadaling paraaan para maalis ang negatibong enerhiyang iyon.
Mga kakailanganin:
*Baso
*Suka
*Pinong asin
*Tubig
Mga Tagubilin:
Ilagay lahat ng kakailanganin sa isang baso at iwan ito ng 24 hours, sa silid kung saan mo ginugugol ang karamihan ng iyong oras. Napakaimportanteng ilagay ito kung saan hindi nakikita ng karamihan para masipsip nito ang masamang enerhiya. Pagkatapos ng nakatakdang oras, tignan kung ang asin ay humiwalay sa halo.
Paano ito gumagana?
Ang asin ay humihigop ng negatibong enerhiya galing sayo at sa iyong tahanan sa pamamagitan ng Pagpapalit ng negatibo sa positibong enerhiya. Ipinapahiwatig nito na kapag tumaas na ang asin ay nakuha na nito ang negatibong emosyon.
Pagkalipas ng 24 hours, ulitin ang tagubilin hanggang sa tumigil na ang asin sa pagtaas o paghiwalay sa halo dahil ito ang tanda na napaalis mo na ang negatibong enerhiya sa inyong tahanan.
Mga karagdagang tips para alisin ang masasamang enerhiya sa loob ng tahanan:
-Aromatherapy
-Tamang Bentilasyon sa pamamagitan ng madalas na pagbubukas ng bintana
-Meditasyon
-Maglagay ng mga halaman tulad ng cactus at mga sariwang prutas sa iyong hapagkainan
-Linisin ang sahig gamit ang tubig na may asin
-Huwag magtago ng mga bagay na hindi na kailangan
-Baguhin ang ayos ng mga muwebles o gamit
- Smudging
Comments
Post a Comment