Alam naman natin na ang tubig ay isa sa pinaka importanteng pangangailangan ng bawat tao. Mahalaga na alam natin kung gaano karami ang kailangang inumin sa isang araw upang mapangalagaan natin ang ating pangangatawan.
Hindi maiiwasan na tayo ay pag pawisan dahil sa mainit na panahon. Sa bawat pagkilos natin at pag papawis ay nababawasan ang tubig sa ating katawan kaya dapat lamang ay palitan natin ito sa pamamagitan ng paginom ng tubig at paginom ng wastong dami sa isang araw.
Mayroong iba’t ibang epekto ang paginom ng tatlong litrong tubig sa isang araw. Narito ang ilang halimbawa:
1. Pampaganda ng Kutis
Ang pag inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig o katumbas ng tatlong litro ay sinasabing nakakapag paganda ng kutis. Sinasabi rin na ang paginom ng tubig ay isa sa mga mabibisang paraan upang mailabas natin sa katawan ang maruruming bakterya na maaring magdulot ng tigyawat.
2. Nakapag papalakas ng katawan
Isa sa paraan upang maiwasan ang iba’t ibang s@kit ay ang paginom ng tubig. Sinisigurado na ang pag inom ay isang paraan upang masiguradong ang ating dugo ay patuloy na nagdadala ng maraming “oxygen” sa bawat selula ng ating katawan.
3. Maiiwasan ang pagkakaroon ng “Kidney Stones”
Nirerekomenda ng mga doktor ang pag inom ng tatlong litro ng tubig kada araw upang maiwasan ang pag kakaroon ng s@kit tulad ng “kidney stones”. Sa pag inom ng maraming tubig, nailalabas natin ang masasamang kemikal na nakukuha natin sa mga pagkain o inuming may kulay.
4. Mabisang pang Bawas ng Timbang
Isang hindi pansing epekto ng pag inom ng tubig ay ang tulong nito na makabawas sa timbang. Maaaring makabawas ng gana sa pagkain ang pag inom ng tubig dahil una, nakakabusog ang pag inom. Kadalasan, ang akala natin ay nagugutom tayo pero ang totoo, tayo lamang ay nauuhaw. Ang pag inom ng 500ml na tubig bago kumain ay isa sa epektibong paraan upang hindi na masyadong ganahang kumain ang isang tao.
5. Nagbibigay Enerhiya
Sa paginom ng wastong dami ng tubig, napapanatili nating “hydrated” at masigla ang ating pangangatawan. Mas madali rin tayong makaka kilos ng mabilis at makakapag isip kapag tayo ay nakainom ng maraming tubig at hindi nauuhaw.
6. Mabilis na Pag Babawas ng Dumi
Nakakatulong ang pag inom ng tubig sa mabilis na paglusaw ng pagkain sa ating tiyan. Magandang uminom ng maraming tubig kapag ang tao ay nakakaranas ng “constipation” o hindi pag lalabas ng dumi ng ilang araw.
Comments
Post a Comment