Skip to main content

Mangosteen: Susi sa Maganda at Malusog na Pangangatawan!




May isang prutas na kalimitang tumutubo lamang sa Isla ng Mindanao ang paborito ng karamihan dahil sa angking sarap neto. Ang manamis namis at maasim asim na lasa ng Mangosteen ang kadalasang hinahanap hanap ng mga tao. 

Ngunit maliban sa kakaiba at nakakaadik na lasa ng prutas na ito, alam ba natin na ang mangosteen ay punong puno ng iba’t ibang sustansya at bitamina na nakakabuti talaga sa ating katawan. Ang kulay lila at bilugang prutas na ito na mayroong makinis na balat ay sinasabing mabisang “anti-oxidant”. Hindi lang yan, siksik din ito sa Vitamin C at nakakatulong makapag pababa ng ating kolesterol.



Narito ang ilan sa mga positibong epekto sa pagkain at pag inom ng Mangosteen at mga karamdamang maaaring magamot sa pagkain nito:



1. Pagtatae


Maaaring ilaga ang balat ng kahoy ng puno ng mangosteen upang ipainom sa nakakaranas ng pagtatae. Ang buto rin ng mangosteen, kapag nilaga ay mabisang gamot sa nagtatae.


2. Lagnat


Sa pamamagitan ng paglalaga ng dahon at balat ng mangosteen, maaaring maibsan ng isang tao ang kanyang mataas na lagnat.

3. Mabuti sa patuloy na pagdaloy ng dugo sa katawan

Ang mangosteen ay mabuti sa ating dugo dahil ang paginom nito ay nakakatulong sa produksyon ng red blood cells na importante upang maiwasan ang s@kit na “anemia”. Ang paginom ng pinaglagaan ng mangosteen ay mahusay din upang maayos ang pagdaloy ng ating dugo sa katawan at maiwasan ang pag kakaroon ng heart congestion, altapresyon, atherosclerosis at iba pang karamdaman.

4. Mabisang gamot panlaban sa Tub3rkolosis

Ang bunga ng mangosteen ay naglalaman ng mga “antibacterial” at “antifungal” properties, mayaman din ito sa bitamina C na mabisang pampalakas ng resistensya at immune system ng tao upang malabanan ang sak!t na TB.


5. Pampababa ng dugo 


Ang mangosteen ay mayaman at mataas sa iba’t ibang mineral tulad ng “copper”, “manganese” at “magnesium” na importante upang bumaba ang mataas na dugo ng isang tao.

6. Para sa tigyawat

Dahil sa “antibacterial” at “antifungal” na taglay ng mangosteen, ito ay sinasabi ring mabisang panlaban ng tigyawat. Sa pag kunsumo ng mangosteen, maaari ring gumaling ang sobrang katuyuan ng balat o sobrang paglalangis ng balat ng isang tao.

7. Mabuting pagmulan ng enerhiya sa katawan

Ang mga bitamina at sustansiyang matatagpuan sa prutas ng mangosteen ay mabisang pagmulan ng enerhiya. Mapapanatili ang preskong pakiramdam at malusog na pangangatawan kapag ang isang tao ay kadalang kumakain ng prutas na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-