Ang ating katawan ay binubuo ng 70% na tubig. Ito ay mahalaga sa ating katawan upang tayo ay magkaroon ng lakas. Ngunit alam ba natin kung kailan tayo dapat uminom ng tubig o gaano karami and dapat na inumin na kailangan ng ating katawan?
Ayon sa mga pagsasaliklik, ang paginom ng tubig na walang laman ang tiyan ay may magandang naidudulot sa ating katawan. Narito kung ano ang mga benepisyo ng pag-inom kahit wala pang laman ang inyong tiyan:
1. Nakatutulong magtanggal ng mga toxins sa ating katawan
Ang madalas na paginom ng tubig ay tinutulungan tayong alisin ang mga dumi sa ating katawan sa paraan ng madalas ng pagpunta sa banyo upang umihi. Sa ganitong paraan ay nailalabas natin ang mga toxins na nasa loob ng ating katawan.
2. Mabilis na pagkawala ng timbang
Ikaw ba ay mataba at hinahangad na magpapayat? Narito na ang solusyon! Ang paginom ng tubig habang nagda-diet ay tinutulungan kang mabawasan ang timbang dahil ito ay walang nilalaman na calories na sanhi ng pagkataba at pinapanatili ang ating tiyan ng maging puno. Huwag lamang araw arawin na sa puntong hindi ka na kumakain!
3. Pabutihin ang sirkulasyon ng ating pangangatawan
Ito ay mabisa dahil ito ang nagde-detoxify ng ating katawan upang mapabilis ang proseso ng ating sirkulasyon at mapabuti na rin ang ating kalusugan.
4. Mabawasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang karamdaman
Ang paginom ng tubig ng walang laman ang tiyan tuwing umaga ay nakatutulong rin na matanggal ang pagkakaroon ng karamdaman tulad ng: panan@kit ng ulo, diabetes, taba sa dugo, TB, epilepsy, pagkahilo, diarrhea, constipation, sak!t sa bato, impeksiyon sa urinary tract at marami pag iba!
5. Nakakabawas ng epekto ng pagtanda
Ang tubig ay mabisa para sa pagpigil ng premature aging. Kapag maraming toxins ang lumalabas sa ating katawan, ito ay magbubunga ng maganda sa ating itsura. Uminom lamang ng maligamgam na tubig ng walang laman ang tiyan at mababawasan ang toxins sa ating katawan at upang gumanda rin ang ating balat.
Comments
Post a Comment