Ang lansones o lanzones ay isa sa mga napakapopular na prutas na paborito ng mga Pilipino dahil sa taglay nitong sarap. Maraming nakatanim na puno ng lansones sa bayan ng Quezon, Laguna at Mindanao.
Ang bunga ng lansones ay kulay dilaw na bilog at kumpol-kumpol na may katamtamang tamis. Pero kung nakagat mo ang buto nito ay mayroong lasang mapait. Ngunit alam niyo ba na hindi lang ito marasap kung di napakarami pala nitong magandang benepisyo sa ating katawan magsimula sa bunga, balat, at buto nito. Narito at alamin ninyo ang mga magagandang benepisyo na nakukuha dito!
1. Natural na antioxidant
Ang lansones ay mayroong vitamin C na gumaganap bilang isang natural antioxidant panlaban sa mga free radicals na nagdudulot ng iba't ibang karamdaman sa ating kalusugan.
2. Pampurga
Ang dinikdik na buto ng lansones ay ginagawang natural na pampurga upang mawala ang mga bulateng nanunuot sa bituka.
3. Pinapapatibay ang mga ngipin
Nakakatulong ang phophorus content ng prutas na ito na patibayin ang iyong mga ngipin lalo na kung palagi mo itong kinakain.
4. Pangiwas sa mga lamok o insect repellant
Ang balat ng lansones ay pinapatuyo ay sinusunog upang gawing insect repellant pangontra sa mga lamok.
5. Panlunas sa lagnat at diarrhea
Ang buto ng lansones ay mayroon ding medicinal properties na nakakatulong sa panlunas ng lagnat at diarrhea. Kunin ang mga buto ng lansones saka dikdikin ng pinon-pino. Ihalo sa isang tasang tubig at inumin isang beses sa isang araw.
6. Panggamot sa kabag at bloated stomach
Ang resin sa balat ng katawan ng puno ay ginagawang panggamot sa pamamaga ng tiyan o kabag. Ito rin ay mayroong anti-inflammatory at anti-colic properties.
7. Lunas sa tusok ng alakdan/scorpion
Ang tusok ng alakdan ay mayroong lason. Makakatulong ang pagtapal ng pinulbos na balat ng kahoy ng lansones sa apektadong bahagi ng katawan.
Disclaimer: Ang halamang gamot na ito ay ginagamit sa mga iba't-ibang karamdaman. Ngunit ang epekto nito ay maaaring gumana sa iba, at sa iba ay hindi. Mas makakabuti na ikonsulta ang pag-inom ng mga halamang gamot sa iyong doktor.
Comments
Post a Comment