
Hindi lahat ng pagkain ay may mabuting maidudulot sa katawan sa lahat ng oras. May mga pagkain na dapat lamang kainin depende sa oras. May mga pagkain na hindi magandang kainin kapag walang laman ang tiyan.
Narito ang mga hindi mo dapat gawin o kainin kung wala pang laman ang iyong tiyan!
1. Pagkain ng sweets o matatamis
Ang pagkain ng matatamis gaya ng tsokolate at kendi ay nakakataas ng insulin levels ng katawan. Dahil dito, tumataas din ang workload ng pancreas at pwedeng magdulot ng diabetes.
2. Pagkain ng yogurt
Ang yogurt ay maganda sa katawan, ngunit kapag kinain ito ng walang laman ang tiyan ay pwedeng magbuo ng hydrocholoric acid. At pwedeng mawala ang mga lactic acid bacteria na maganda para sa katawan.
3. Pag-inom ng kape
Ang pag-inom ng kape ng wala pang kinakain ay pwedeng mag-stimulate ng produksyon ng acid sa iyong tiyan at pwedeng magresulta sa heartburn, acid reflux o digestive problems. Ang hindi pagkain ng agahan ay pwedeng magresulta sa serotonin deficiency.
4. Pag-nguya ng chewing gum
Kapag nag-nguguya ng chewing gum na wala pang kinain ay pwedeng magproduce ang iyong tiyan ng digestive acid na nakakasira sa stomach lining. Pwedeng magresulta ito sa pagkakaroong ng gastritis.
5. Matulog
Mahirap ang matulog ng gutom dahil ang pagkagutom at ang pagbaba ng iyong glucose level sa katawan ay pwedeng magresulta sa pagkakaroon ng mababaw na tulog at madaling magising. Ang pagkakaroon ng kakulangan sa tulog ay pinapataas ang level ng iyong hunger hormones sa katawan kaya nagreresulta sa pagkain ng madami kinabukasan.
6. Pag-eehersisyo
Hindi maganda ang mag-ehersisyo na wala pang laman ang tiyan mo. Dahil sa halip na fat ang dapat matanggal, ang iyong muscles ang iyong binu-burn. At kailangan mo rin ng enerhiya upang magawa ang pag-eehersisyo.
7. Pag-inom ng citrus juice
Ang mga fibers at acid sa mga citrus fruits ay pwedeng maka-irritate sa iyong tiyan. At hindi ito maganda lalo na sa mga taong mayroong gastritis.
Comments
Post a Comment