Skip to main content

Mga Benepisyong Maaring Makuha sa Paggamit ng Citronella (Lemon Grass)


Ang citronella ay kilalang halaman na may anyong damo. Ito ay may angking amoy na ginagamit sa maraming bagay gaya ng pampabango, pampalasa at pantaboy sa lamok. Ito ay itinatanim sa maraming lugar sa Pilipinas partikular sa Baguio at pinoproseso upang makuha ang langis nito.


Ang mga pangunahing langis na nakukuha sa halamang ito ay geraniol, citronellal at citronellol na mabisa panlaban sa mga lamok. Ang lemon grass ay ginagamit din bilang pampalasa at ang dahon nito ay maaaring gawing herbal tea. Ginagamit din ang dahon ng citronella sa panggagamot.

Narito ang mga iba't ibang karamdaman na maaaring magamot ng Citronella:

1. Altapresyon

Ang langis ng citronella ay epektibo din sa pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo.

2. Kagat ng lamok

Pinakakilala ang citronella bilang pangontra sa lamok. Dahil dito, makatutulong ito nang malaki sa pag-iwas sa posibilidad na pagkakaroon ng mga karamdaman na konektado sa kagat ng lamok gaya ng dengue at malaria. Ginagamit na pampahid sa balat ang langis ng citronella para dito.

3. Pagkokombulsyon

Ginagamit naman ang pinaglagaan ng dahon ng citronella bilang pangontra sa pagkokombulsyon o panginginig ng mga kalamnan.

4. Pananak!t ng ulo at tiyan

Ipinapahid and langis ng lemon grass sa parte ng katawan na sumas@kit gaya sa ulo at tiyan.

5. Muscle pain 

Ginagamit din ang langis nito bilang aromatherapy at pangmasahe sa mga mga mas@kit na kasu-kasuan.

6. Tumutulong sa digestion o pagtunaw ng pagkain

Nakakatulong ang lemon grass sa maaayos na pagtunaw ng pagkain dahil mayroon itong antiseptic na kakayahan upang tanggalin ang mga bad bacteria sa ating digestive tract. Nakakatulong din ito sa may mga constipation, heartburn, diarrhea, at kabag.

7. Ubo at lagnat

Ito ay mayroon antibacterial at antifungal na kakayahan upang maibsan ang ubo at lagnat. Sagana rin ito sa bitamina C na nakakatulong palakasin ang iyong immune system laban sa mga impeksyon.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao.  Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan: 1. Tuna Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki.  2. Tilapia Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito.                          3. Palos o Igat  Maaari itong magsanhi ng