
Ang pagiging overweight o mataba ay isang kondisyon na problema ng karamihan. Marami na ngayon ang mga nagsisilabasang paraan paano pumayat, magsimula sa tamang diet, ehersisyo, at kung ano-ano pang mga gamot.
Ngunit kung gusto mo talagang pumayat sa mura at safe na paraan at mayroon din namang mga halamang gamot na makakatulong sayo sa pagbabawas mo ng timbang. Ngunit dapat ang mga ito ay sinasabayan pa rin ng tamang diyeta at ehersisyo. Narito at alamin ninyo ang mga ito!
1. Green Tea
Ang green tea ay mayroong cathechins, isang antioxidant na nakakatulong para mapabilis ang pagsunog ng taba sa iyong katawan. Nakakatulong din itong pabilisin ang iyong metabolism upang magburn ka ng calories.
Paano gawin at gamitin:
- Magpakulo ng 1 tasang tubig at ilagay ang mga green tea leaves
- Hayaan muna ito sa loob ng 3 minuto bago salain at inumin
- Uminom ng 3 tasang green tea sa loob ng isang araw
2. Luyang Dilaw o Turmeric
Isang active ingredient ng turmeric ang curcumin, isang substansya na kakatulong upang pataasin ang daloy ng bile o ihi. At importante din ito sa pagbe-break down ng fats sa katawan.
Paano gawin at gamitin:
4. Peppermint
Paano gawin at gamitin:
- Maaaring gumawa ng detox drink gamit ang 1 kutsarang turmeric power sa 1 tasang mainit na tubig.
- Lagyan ng lemon o honey para sa lasa
- Inumin 2 beses sa isang araw
3. Oregano
Kadalasan, ginagamit ang oregano sa may mga asthma at ubo. Ngunit may kakayahan din itong magpabawas ng timbang. Dahil mayroon itong active ingredient na carvacrol na kayang tumunaw ng taba sa katawan. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang pamamaga o bloating.
Paano gawin at gamitin:
- Maglagay ng 3 kutsaritang dahon ng oregano sa isang tasang kumukulong tubig
- Pakuluan ito sa loob ng 5-10 minuto
- Salain at inumin araw-araw
4. Peppermint
Ang dahon ng peppermint ay may kakayahang magpabawas ng stress dahil sa nakakarelax nitong amoy. Mabisa din itong pantanggal ng mabahong hininga kaya kadalasan itong hinahalo sa lemon juice. Ito ay isang natural na appetite suppressant at kayang bawasang ang iyong madalas na pagkagutom kaya nakakatulong ito sa mga gustong magbawas ng timbang.
Paano gawin at gamitin:
- Magpakulo ng 1 kutsaritang dahon ng peppermint
- Hayaan ito sa loob ng 10 minuto bago salain
- Uminom ng peppermint tea araw-araw
Comments
Post a Comment