
Ang guyabano ay kilala dahil karamihan ng mga Pinoy ay mahilig kumain nito. Ito ay may balat na kulay berde at may tusok-tusok, habang ang laman naman nito ay maputi at masabaw. Ang puno ay may katamtaman lamang na laki at ang dahon ay makinis.
Ang pinakapopular na paraan upang makuha ang mga health benefits nito ay sa pamamagitan ng pagpapakulo ng mga dahon ng guyabano at saka inumin na tsaa. Ngunit ang pagkain lang mismo sa prutas nito ay madami ng magandang benepisyo sa ating katawan.
Narito ang ilang mga karamdaman na kayang gamutin ng guyabano!
1. Pananakit ng katawan
Maaaring inumin ang nilagang guyabano leaves at gawin parang tsaa para mabawasan ang pananakit ng mga kasu-kasuan.
2. Arthritis
Ang guyabano ay mayroong anti-inflammatory properties na nakakatulong sa pagpapaginahawa ng karamdaman na dulot ng gout. Nakakatulong ang pag-inom ng guyabano leaves upang tanggalin ang mga purine substances sa iyong katawan na nagdudulot ng gout.
Magpakulo lang ng 6-10 dahon ng guyabano sa 2 tasang tubig at inumin dalawang beses sa isang araw.
3. UTI o Urinary Tract Infection
Ang dahon ng guyabano ay mabisang natural home remedy para sa UTI o ang impeksyon sa daluyan ng ihi dahil ito ay mayroong anti-microbial compounds at sagana sa vitamin C. Pakuluin ang mga dahon ng guyabano at saka gawing tsaa.
4. Constipation
Kung nahihirapan kang dumumi, kainin ang bunga ng guyabano. Ito ay mayaman sa fiber na makakatulong kung ikaw ay constipated.
5. Pangregulate ng blood sugar
Ang pag-inom ng guyabano tea araw-araw ay nakakabuti sa pagkontrol ng blood sugar dahil mayroon itong niacin. Ito rin ay nakakatulong sa pagkontrol ng blood pressure at cholesterol level sa iyong katawan.
6. Leg cramps o pulikat
Kaya nagkakaroon ng pamumulikat ay dahil sa na-ooverworked ang iyong mga binti at nagkukulangan ang potassium level sa iyong katawan. Ang bunga ng guyabano ay mayroon potassium na nakakatulong upang maiwasan ang pamumulikat.
7. Pampalakas ng immune system
Ang guyabano ay sagana sa bitamina C na kailangan ng katawan upang malabanan ang mga microorganism na nagdadala ng iba't ibang sak!t. Ang pag-inom din ng pinaglagaang dahon ng guyabano ay sagana rin sa antioxidants upang malabanan ang mga free radicals.
8. Manas
Ang guyabano ay mayroon din medicinal effects na panlunas sa implamasyon at pagmamanas. Maaaring ipantapal o ipang hugas ang nilagang dahon ng guyabano upang mapahupa ang pamamaga ng paa.
Pwd po ba sa bata ipainum ang nilagang dahon...salamat po
ReplyDeleteTanong kulang kng ano ano pangsakit Ang pweding malunasan sa pginom ng guyabano slmt sa sasagot
ReplyDelete