Skip to main content

Mga Paraan Para Kumapal Ang Buhok Ng Hindi Gumagastos!


Isa sa mga tinuturing na yaman ng mga babae ang kanilang buhok. Hindi maiiwasan na mag-asam ang isang tao na may manipis na buhok na magkaroon ng buhok na hindi lang matibay kundi na rin ay makapal.

Ang iba ay gumagamit ng kung ano-anong produktong binebenta sa merkado na mainam raw na pam-pakapal ng buhok, ang hindi nila alam ay ang mga kemikal na hinahalo sa mga produktong ito ay maaaring matapang para sa balat na mas may tyansang magdulot ng pagkalagas ng buhok.
Maraming paraan upang kumapal ang buhok gamit ang mga natural na produktong matatagpuan sa bahay o maaaring sa bakuran ng ating taniman. 

Narito ang ilang halimbawa ng mga natural na paraan na pwedeng gamitin upang ang buhok natin ay kumapal:

1. Pag gamit ng sabila o aloe vera sa buhok

Dahil ang sabila ay hitik sa bitamina at sustansiya, isa ito sa mga natural na halamang gamot na pwedeng gamitin upang kumapal ang buhok.
Paraan ng paglalagay:
1. Pumili at pumitas ng sabila /aloe vera na sa palagay ninyo ay makatas at mataba.
2. Hugasan ang ito at punasan.
3. Biyakin sa gitna ang sabila at kuhanin ang gel.
4. Ipahid ang gel at ilagay ng diretso sa anit ng buhok. Pag katapos ay masahihin at patuyuin.
5. Pagkatapos ng isa o dalawang oras, maaari ng paliguan ang buhok.

2. Paglalagay ng Olive Oil sa buhok

Ang Olive oil ay isa sa mabisang pang palambot at pang padulas ng buhok
 Paraan ng paglalagay:
1. Maaaring idiretso ang olive oil sa buhok. Initin ng kaunti ang olive oil at ilagay sa buhok.
2. Masahihin ang buhok at iwanan ito ng 30 minutos hanggang 45 minutos.
3. Hugasan ang buhok at gumamit ng sabon na hindi matapang.

3. Paglalagay ng Avocado sa Buhok

Ang Avocado ay maaaring gamitin upang kumapal at tumibay ang buhok. Dahil ito ay mayaman sa Vitamin E na nakatutulong ito para sa kabuuang kalusugan ng ating buhok.

Paraan ng paglalagay:
1. Kailangang gumamit ng isang Avocado, saging at isang kutsara ng olive oil sa paraang ito.
2. Dudurugin lamang ang mga sangkap upang makagawa ng paste.
3. Ilagay ang paste sa anit at masahihin ito. Maaaring iwanan ito ng 30-45 minutos.
4. Banlawan mabuti ang buhok upang matanggal ang paste na inilagay.

4. Pag gamit ng itlog pampakapal ng buhok

Dahil ang itlog ay mayaman sa protina, ang pag gamit at paglalagay nito sa ating buhok ay nakatutulong upang mapatibay at mapakapal ang bawat hibla.

Paraan ng paglalagay:
1. Kumuha ng isa o dalawang itlog, depende sa haba ng buhok at batiin ito ng mabuti.
2. Ilagay ang nabating itlog sa basang buhok at hayaan itong matuyo ng 30minutos.
3. Hugasan ang buhok ng mabuti pag tapos ng 30minutos. Maaring gawin ito ng isa o dalawang beses kada linggo.


Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…