Hindi biro ang makaranas ng matinding pananak!t ng ulo o migraine. Dahil sa karamdamang ito, pwedeng maantala ang iyong gawain sa buong araw at mahihipan kang makapagtrabaho at magawa ang mga dapat mong gawin.
Ang migraine ay ang matinding pananak!t ng ulo, na parang may tumitibok na malakas o bumabayo sa isa o magkabilang bahagi ng iyong ulo. Nakakaranas nito dahil sa resulta ng pagbaba ng serotonin sa iyong katawan. Ang serotonin ay isang neurotransmitter na responsable sa pagsesend ng signals iyong utak.
Upang malunasan ang karamdamang ito, narito ang mga tips na pwede mong subukan upang mawala ang iyong migraine!
1. Mag-aaply ng cold compress
Kung nakakaranas ng migraine, makakabuti na mag-apply ng ice pack o cold compress sa iyong ulo, leeg at batok. Dahil ang yelo ay may numbing effect, nakakatulong ito na gawing manhid ang sumasakit na parte.
- Magbalot ng yelo sa isang bimpo o kumuha ng ice pack
- Ilagay ito sa iyong ulo o iyong batok sa loob ng 10 minuto
2. Uminom ng tsaa na gawa sa luya
Ang luya ay mayroong anti-inflammatory properties na kayang bawasan ang implamasyon at pressure sa iyong utak.
- Magkayod ng kalahating luya saka pakuluin ito sa 1 1/2 na tasang tubig
- Hayaan munang lumamig sa loob ng 5 minuto bago inumin
- Maari itong inumin 3 beses sa isang araw
3. Massage Theraphy
Nakakatulong ang pagmamasahe ng iyong ulo sa sirkular na mosyon na harangin ang mga pain signals sa iyong utak. Mabisa din ito upang gumanda ang daloy ng dugo at ma-istumulate ang mga serotinin receptors.
4. Uminom ng kape
Ang caffeine na matatagpuan sa mainit kape ay kayang irestritct ang mga blood vessels at bina-block ang ilang receptors upang hindi ka na makaranas ng sak!t. Ngunit iwasan din ang sobrang pag-inom nito dahil pwedeng mas palalain lang ang iyong sak!t sa ulo.
5. Uminom ng maraming tubig
Kadalasan ang sanhi ng matinding pananak!t ng ulo ay dahil sa dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan. Siguraduhing nakakainom ng 8-12 na basong tubig araw-araw upang maiwasan ang migraine.
6. Magpahinga
Makakabuti na magpahinga sa isang kwartong mahina ang ilaw o madilim upang makapag-relax. Dahil ang pagkaka-expose sa maliwanag at maingay na lugar ay maaari lang palalain ang iyong sak!t ng ulo.
Comments
Post a Comment