Ang Gastritis ay ang pamamaga o pangangati ng stomach lining at maaari itong mangyari biglaan o dahan-dahan. Ang pamamaga ng gastritis ay kadalasang resulta ng impeksiyon na may parehong bacterium na nagiging sanhi ng karamihan sa mga ulcer sa tiyan.
Ito ay maaaring sanhi ng ng pangangati dahil sa labis na paginom ng al@k, talamak na pagsusuka, stress, o paggamit ng ilang mga gamot tulad ng aspirin o iba pang mga anti-inflammatory na gamot.
Sa ibang mga kaso, ang gastritis ay maaaring humantong sa stomach ulcers at isang mas mataas na panganib ng k*ns3r sa tiyan.
Ang sintomas ng gastritis ay iba sa bawat tao, maaaring maranasan ang mga sumusunod na senyales at sintomas:
- hindi pagkatunaw ng pagkain o indigestion
- isang pakiramdam ng kapunuan sa iyong itaas na tiyan pagkatapos kumain
- pananak!t sa tyan
- kawalan ng ganang kumain
- pagsinok
- pagkahilo
- pagsusuka
Mga paraan upang maiwasan at mawala ang gastritis:
1. Bawang
Ang pagkain ng bawang ay mabisa upang tanggalin ang mga bakteryang nagdudulot ng gastritis. Maaaring kunin ang katas ng bawang at saka inumin ito.
2. Yogurt
Ang pagkain ng yogurt na may probiotics ay nakakatulong protektahan ang iyong tiyan laban sa H. pylori bakterya na nagdudulot ng gastritis. Tumutulong din itong palakasin ang iyong sistema upang labanan ang mga impeksyon.
3. Kumain lamang ng pakonti-konti
Ang pagkain ng maramihan ay nagdudulot ng stress sa iyong digestive tract na maaaring magdulot ng hindi pagkatunaw. Importante na kumain lang ng pakonti-konti upang matunaw ng mabuti ang kinain at maabsorb ito ng mabuti ng iyong katawan.
4. Iwasan ang mga inumin gayang softdrinks, kape, at al@k
Ang mga inuming ito ay maaaring baguhin ang iyong stomach acid at pwedeng ma-irritate ang iyong tiyan. Iwasan ito kung maaari.
Ang Gastritis ay hindi lagi nagpapakita ng sintomas kaya kapag nakaramdam ng ganitong mga sintomas ng ilang lingo o higit pa, nagsusuka o nagtatae ng may kasamang dugo ay magpatingin agad sa doctor.
Comments
Post a Comment