Skip to main content

Mga Sintomas ng Heatstroke at Paraan Para Maiwasan Ito Lalo Na Ngayong Summer!



Ang heatstroke ay isang kondisyon kung saan ang katawan ng isang tao ay masyadong nagiinit bunga ng pagkakabilad ng mahabang oras sa arawan o sa lugar na may sobrang init na temperatura. Ang heatstroke ay isa sa pinaka malalang karamdaman na maaaring makuha kapag ang temperatura ng katawan ay tumaas ng 104 F o 40 degree celsius.  Ang kondisyong ito ay kalimitang nangyayari tuwing panahon ng tag-init o summer.

Para mas maging alerto tayo kung ano ang mga sintomas ng heatstroke, narito ang ilang halimbawa:

  • Mataas na temperatura ng katawan
  • Pagiging mainitin ng ulo at aligagang reaksyon ng katawan
  • Namumulang balat dulo’t ng sobrang init
  • Pakiramdam ng sobrang pagkahilo at pagsusuka
  • Pagbilis ng paghinga at pagsisikip ng dibdib
  • Sobrang tindi ng sak!t ng ulo
  • Hindi normal na bilis ng tibok ng puso
  • Pagpapawis ng sobra sobra.
Hindi maiiwasan na tayo ay mabilad sa mainit na araw at maaaring tayo din ay makaranas ng ilan sa mga nakalistang sintomas ng heatstroke. 

Ngunit hangga’t maaari, kaya nating maagapan ang mga sintomas na ito sa pagsunod sa mga sumusunod na paraan:

1. Magsuot ng maluluwag, komportable at magagaang na damit. Sa paraang ito, mas mapapabilis ng ating katawan na mapalamig ang temperatura tuwing ito ay tumataas. Mas mabilis dadaloy ang hangin sa atin kapag ang suot natin ay magaan at maluwag.

2. Uminom ng madaming tubig. Ang paginom ng maraming tubig ay importante sa pagpapanatiling “hydrated” ng ating katawan lalo na kapag tayo ay sobrang nagpapawis. Nakatutulong itong mapalitan ang mga tubig na nawawala sa atin.

3. Iwasan ang sobrang pagbababad sa initan. Ang heatstroke ay sanhi ng sobrang pagkakabilad sa init o araw kaya mabuting limitahan natin ito. Huwag mag ehersisyo sa labas ng bahay kapag sobrang tirik ang araw o di kaya wag kakalimutang magdala ng payong kapag lalabas, lalo na sa tanghaling tapat.

4. Magpahinga ng mabuti kapag nakakaranas ng ano mang sintomas na nakalista sa itaas. Kung hindi maiiwasan na gumawa ng sobrang nakakapagod at mabigat na trabaho sa mainit na panahon, siguraduhing ang katawan ay napapahinga pa din. Uminom din ng maraming tubig para makaramdam ng kaginhawaan.

5. Huwag magpapaiwan sa maiinit na lugar tulad nalang ng parking lot kapag nasa loob ng sasakyan. Kung maaari, manatili sa malamig na lugar tulad ng loob ng bahay, mapunong lugar, o di kaya sa mall.

6. Ipakonsulta agad sa espesyalista kung sobrang taas nang lagnat ng isang tao at nakakaranas pa ng pagsusuka dahil kung hindi naagapan ito ay magreresulta sa malalang dehydration.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…