
Sino ba naman ang hindi mag-aasam ng smooth, youthful-looking, at glowing skin? Karamihan ay nagnanais na magkaroon ng magandang balat dahil dito nasasalamin ang iyong kalusugan.
Marami na nga ang nagsilabasang mga produktong pampaganda, ngunit iba sa mga ito ay may kamahalan at mayroon mga matatapang na kemikal. Sa tamang pangangalaga at paggamit ng mga natural na pamamaraan ay pwede mo pa ring ma-achieve ang makinis at glowing skin!
Narito ang mga useful home remedies at tips kung papaano!
1. Rose water
Upang matanggal ang mga excess oil, make-up, at dumi sa iyong mukha ay kailangan mo itong linisin araw-araw lalo na bago matulog upang maiwasan ang pagkakaroon ng tighiyawat o pimple breakout.
Paano gawin:
- Tanggalin ang mga petals sa bulaklak ng rose
- Lagyan ng distilled water sa isang laglagyan
- Pakuluin ito sa medium-low heat fire sa loob ng 20 minutes hanggang mawala ang kulay o pale pink
- Salain ang mga petals at ilipat sa isang lalagyan ang tubig. Hayaan munang lumamig
- Gamit ang bulak, lagyan ito ng rose water saka gawing panlinis ng iyong mukha araw-araw
2. Turmeric / Luyang Dilaw
Maganda rin ang turmeric para sa iyong balat dahil mayroon itong mga anti-oxidants na nakakapagbigay ng glow sa iyong balat sa pamamagitan ng paglaban sa mga free radicals.
Paano gawin:
- Paghaluin ang equal amount ng turmeric powder, honey, milk o greek yoghurt hanggang maging paste
- Gawin itong parang mask at iwan sa loob ng 15 minutes
- Hugasan ng maligamgam na tubig
3. Coconut Oil
Ang coconut oil ay napakayaman sa anti-oxidants at mabisa bilang natural moisturizer. Kaya nitong maiwasan ang pagkakaroon ng dry na balat. Epektibo din itong pantanggal ng dumi o make-up sa iyong mukha.
Paano gawin:
Paano gawin:
- Mag-apply ng coconut oil sa iyong mukha, leeg, kamay, at legs
- Imassage ito sa iyong balat at iwanan sa loob ng 15 minuto
- Hugasan ng maligamgam na tubig
- Gawin ito araw-araw upang hindi mag-dry ang iyong balat
4. Lemon
Ang lemon ay isang natural na bleaching agent at nakakatulong na magpaputi at magpakinis ng iyong balat. Ang vitamin C rin nito ay mabisa na pantanggal ng mga dark spots at pinapabilis ang cell renewal.
Paano gawin:
- Kunin ang katas ng lemon.
- Gamit ang bulak, isawsaw ito sa katas ng lemon at gawing pampahid sa mukha, leeg, at mga parte na gustong paputiin
- Iwanan sa loob ng 10 minuto saka hugasan
- Gawin lamang ito 3 beses sa isang linggo dahil pwedeng mag-dry ang iyong balat
- Maglagay ng moisturizer pagkatapos
Narito pa ang ilang mga tips para magkaroon ng glowing skin!
- Uminom ng maraming tubig araw-araw (8-10 baso) upang mapanatiling hydrated ang iyong balat at katawan
- Bawasan ang stress at laging magkaroon ng oras para magrelax
- Magkaroon ng sapat na tulog (7-8 oras) at iwasan ang pagpupuyat
- Linisin ang iyong balat bago ka matulog sa gabi
- Kumain ng maraming prutas at gulay
- Gumamit ng sunblock kung ikaw ay lalabas ng bahay
Comments
Post a Comment