Skip to main content

Natural at Epektibong Home Remedies Para sa Pasmadong Paa at Kamay!




Ang may pawisin o pasmadong kamay ay nagiging hadlang sa mga gusto nating gawin. Ito rin ay minsan nakakapagpa-baba ng ating self confidence. Nahihiya ka bang makipag-shake hands at makipagholding hands dahil sa sobrang pagpapawis ng iyong kamay?

Naiinis ka na rin ba sa pawisin mong paa na nagdudulot ng masama o masang-sang na amoy? Subukan mo ang mga epektibong home remedies na ito para maibsan ang iyong problema sa pagpapawis ng iyong kamay at paa.


Narito at basahin ang mga sumusunod na paraan na makakatulong sa iyo:

1. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay maaaring makatulong sa pawising kamay at paa. Mayroon din itong antibacterial properties upang tanggalin ang mga mikrobyo na nagdudulot ng pagpapawis at masamang amoy. Sundin lamang ang mga sumusunod:
  • Kumuha ng palanggana na may maligamgam na tubig
  • Lagyan ng 2 tasang apple cider vinegar
  • Ibabad ang mga paa at kamay sa loob ng 5-10 minuto
  • Sabunin at hugasan pagkatapos
2. Baking soda at tubig

Ang baking soda ay mayroong alkaline nature at epektibo sa pagbabawas ng matinding pagpapawis ng kamay at paa. Nakakatulong din ito sa pantanggal ng mabahong paa dulot ng pawis. Gawin lamang ang mga sumusunod:
  • Lagyan ng kalahating maligamgam tubig ang palanggana
  • Maghalo ng ilang kutsara ng baking soda
  • Ibabad sa loob ng 30 minuto ang paa at kamay
  • Banlawan at punasan
3. Katas ng kamatis
Ang katas ng kamatis ay naituturing din na epektibong remedyo sa pasmadong kamay at paa dahil mayroon itong cooling effect sa balat.
  • Ipahid lang ang katas ng kamatis sa iyong kamay o paa
  • Hayaan itong matuyo bago banlawan
  • Maaari ring uminom ng tomato juice araw-araw upang mabawasan ang matinding pagpapawis

4. Tawas at maligamgam na tubig


Mabisa ang maligamgan na tubig na may halong tawas upang maalis ang hindi magandang amoy nadulot ng pawis na paa. May kakayahan itong tanggaling ang mga mikrobyo at fungus sa iyong mga paa.
  • Lagyan ng maligamgam na tubig ang palanggana
  • Idagdag ang tawas
  • Ibabad ang pasmadong paa o kamay sa loob ng 20 minuti
  • Pagkatapos ay punasan ang kamay at paa ng malinis na tuwalya
5. Uminom ng sapat na tubig araw-araw

Ang pag-inom ng 8-10 basong tubig araw-araw ay makakatulong sa pagpigil ng pawising kamay at paa dahil mapapanatili nito ang malamig na temperatura ng katawan at maibsan ang mainit na pakiramdam. Ito rin ay nakakapagbigay ng tamang hydration sa ating balat upang maiwasan ang dry skin.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…