Skip to main content

Paglagas Ng Iyong Buhok, Ano Nga Ba Ang Sanhi At Lunas Dito?



Nawawala na ba ng kumpyansa mo sa iyong sarili dahil sa pagkalagas ng iyong buhok? Kahit anong gamit mo ng mga hair products na “anti-hairfall” ay hindi pa rin ito epektibo. Kung ating mapapansin habang tayo ay nagsusuklay o naliligo ay may nalalagas na buhok. 

Ayon sa mga eksperto, kung 50 hanggang 100 na hibla ang nalalagas araw-araw, ito ay normal lamang at wala dapat na ipag-alala. Ngunit, kung sobra pa sa nasabing bilang at sadyang lumalala ang paglalagas ng buhok, dapat na itong ikonsulta sa iyong doctor.

SANHI NG PAGLALAGAS NG BUHOK

1. Stress

Isa sa mga pangunahing dahilan sa paglalagas ng buhok ay dahil sa stress lalo na kapag masyadong nagpupuyat at kulang sa pahinga. Ang normal na cycle ng pagtubo, paglago at pagkalagas ay nabibigla na nagreresulta sa agarang paglalagas ng buhok. Ngunit sa oras na maibalik ang tamang pahinga ng katawan mula sa sobrang pagod o stress magsisismula na muling tumubo ang buhok.
2. Anemia

Ang kakulangan ng iron sa katawan ang nagbubunsod sa paglalagas ng buhok. Upang malunasan ito, mainam na magpatingin sa doctor o uminom ng mga bitamina na nagtataglay ng iron tulad ng ferrous sulfate vitamins.


3. Mga kemikal na inilalalagay sa buhok

Ang mga kemikal na tulad ng hair color, rebond treatment, relax treatment, o kahit ang pagstyle ng buhok na gamit ang maiinit na kagamitan ay sadyang dahilan ng paglalagas ng buhok. Ang mga kemikal na ito ay napupunta sa ugat ng buhok kung kayat nagda-dry ang buhok o nalalagas. Upang maiwasan ito, mapabuting limitahan ang paggamit ng mga nasabing kemikal lalo na rin ang paggamit ng mga kagamitan tulad ng plantsa at curler.
4. Alopecia, lupus at hypothyroidism

Ang mga sakit na ito ay nagreresulta ng paglalagas ng buhok. Mabuting ipakonsulta sa doctor ang ganitong uri ng sakit upang mabigyan ng lunas habang maaga pa. Namamana ang paglalagas ng Buhok. Ang pagkapanot o paglalagas ng buhok ay nasa lahi rin. Kung may mga kamag-anak kang ganito rin ang nararanasan, posibleng ito’y namana mo.

GAMOT SA PAGLALAGAS NG BUHOK

Habang maaga pa, gawin na ang mga wastong paraan sa pag-alaga ng iyong buhok habang hindi pa huli ang lahat. Ang mga sumusunod ay mga simpleng tips upang mabigyang lunas ang paglalagas ng buhok. 

1. Sa tuwing matatapos maligo, mabutihing matuyo ito bago talian. Isa rin itong dahilan kung kaya’t napapaaga ang pagkaputi ng buhok o pagda-dry nito. Mas mainam din na huwag munang magsusuklay ng buhok kung basa pa ito lalo na sa mga mahahaba nag buhok.

2. Iwasan ang paggamit ng mainit na tubig sa iyong buhok. Katulad din ito ng mga curler o plantsa kung saan natutuyo ang buhok.

3. Iwasan din ang madalas na pagkukulay ng buhok. 

4. Tuwing nagpapatuyo ng buhok siguraduhing huwag itong ikuskos sa tuwalya o bimpo. Mabutihing idampi lamang ito upang maiwasan ang paglalagas ng buhok. Hayaan lang na matuyo ang buhok sa hangin at huwag ng gumamit ng hair dryer.

5. Iwasang magbilad sa araw lalo na  kapag sobrang init at maalikabok ang paligid. Hindi lang magbubuhaghag ang iyong buhok kundi nagiging marupok din ang hibla nito. Ito rin ang sanhi ng pagkatuyot ng buhok. 

6. Iwasang magpatreatment lalo na iyong may mga matatapang na kemikal katulad ng pagrerebond, pagrerelax at pagha-hot oil. Malaki ang posibilidad na magiging dry ang iyong buhok kapag nawawala na ang mga kemikal na nailagay dito. 

7. Kapag kakaiba na ang paglalagas ng iyong buhok at mas lumalala na ito, huwag magdalawang isip na magpakonsulta sa iyong doctor o espesyalista upang mabigyang lunas ang posibleng karamdaman.


Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…