Skip to main content

Pipino At Upo Juice Para Sa UTI(Urinary Tract Infection)



Ang Urinary Tract Infection o UTI ay isang kondisyon ng pagkakaroon ng impeksiyon sa daluyan ihi o urinary tract system kasama ang kidneys, ureters, bladder at urethra. Karamihan sa mga UTI, ang naaapektuhan ay ang bladder at urethra ng isang tao. 

Ang pagpipigil ng ihi ay maaring maging sanhi ng UTI. Maaring magkaroon tayo ng nito dahil sa mga kinakain natin, sa hindi pag inom ng tubig o pagpigil ng ihi. May mas malaking tyansa na magkaroon ng UTI ang mga kababaihan dahil sa mas maikli ang daluyan ng kanilang ihi at mas mabilis makapasok ang mikrobyo na nagdudulot ng impeksyon. 
Mayroong mga gamot na inireresta ng doktor sa paggamot ng UTI, ngunit mayroon ding simple at natural na paraan upang gamutin ito.

Narito at tunghayan kung paano makakatulong ang Pipino at Upo Juice sa taong may UTI:

1. Pipino

Ang Pipino ay maganda sa ating katawan.Maari itong gamiting pampaganda, kainin at panggamot sa  iba't ibang karamdaman. Mabuti ito sa taong nakakaranas ng UTI, dahil ito ay may taglay sustansya na makatutulong sa madalas na pag ihi at tinutulungan nito na maiayos ang pagdaloy ng ihi.


2. Upo

Ang Upo ay karaniwang pagkain ng mga Pilipino. Karaniwan itong tinatanim sa mag probinsiya sa kanilang bakuran o bukirin. Ito ay pahaba na kulay berde at marami itong maaring magamot na karamdaman tulad na lamang ng UTI. Mayroon itong diuretic effect o pampaihing kakayahan na makakatulong sa mga taong may impeksyon sa daluyan ng kanilang ihi.


Mga Kailangan:

  • 1 pirasong maliit na Upo 
  • 2-3 pirasong Pipino

Paano gawin:

• Balatan ang pipino at upo 
• Hiwain ang mga ito
• Ilagay sa blender o juicer, kung wala nito pigain hangang lumabas ang katas 
• Paghaluin ito kapag nakuha na ang katas
• Ilagay sa lalagyanan at maari nang inumin 
• Imumin ito ng 2-3 beses sa isang araw 
• Maaari ring ilagay sa refrigerator kung gugustuhin

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl