Skip to main content

Pitong Masamang Epekto Ng Hindi Pagkain Ng Almusal o Breakfast!



Ayon nga sa kasabihan, ang almusal o breakfast ang pinaka-importanteng meal of the day. Dahil dito kumukha ang iyong katawan ng nutrisyon at enerhiya para sa buong araw na gawain. Ngunit karamihan sa atin, ay hindi na nakakain ng kanilang almusal dahil sa iba't-bang dahilan gaya na lang ng pagmamadaling pumasok sa eskwela o trabaho, tinatamad mag-luto, o dahil sa kagustuhang pumayat.

Ngunit ang pag-skip o hindi pagkain ng almusal ay mas pinapataas lang ang tyansa mong madagdagan ng timbang o obesity dahil mas napaparami ang kain mo ng mga unhealthy na pagkain kung ikaw ay nagutom sa buong araw. 

Kaya narito ang mga masamang epekto na dulot ng hindi pagkain ng breakfast!

1. Nakakasama sa iyong puso

Ang hindi pagkain ng almusal ay pwedeng magresulta sa hypertension o pagtaas ng blood pressure, pagbabara at pagtigas ng iyong mga arteries na pwedeng mauwi sa pagkakaroon ng mga cardiovascular conditions, gaya ng heart attack at stroke. 



2. Mas nadadagdagan ang iyong timbang

Kapag hindi ka kumain ng iyong agahan, mas lalo kang gugutumin sa buong araw. At sa paraang ito, mas lalo kang magke-crave ng mga pagkaing matatamis at fatty foods. Dahil kapag ang iyong hunger level ay mataas, ang iyong food intake ay tataas din. Pwede itong magresulta sa pagdadag ng iyong timbang at obesity. 

3. Bababa ang iyong blood sugar

Nakakatulong ang pagkain ng breakfast upang i-restore ang glycogen at i-stabilize ang insulin level sa iyong katawan. At kapag hindi na-replenish ang iyong glucose sa umaga, babagsak ang iyong blood sugar at mauuwi sa sobrang pagka-gutom, panghihina, at mabilis mag-init ang ulo. 
4. Babagal ang iyong metabolismo

Ang pagkain sa umaga ay nakakatulong upang iboost ang iyong metabolism na kailangan upang ma-burn ng maayos ang iyong mga calories sa buong araw. At kung hindi ka kumakain ng almusal, ang iyong katawan ay mas lalong mag-iistore ng calories at pinapabagal ang iyong metabolismo kaya nagreresulta sa pagdagdag ng timbang.

5. Tumataas ang tyansa mong magka-diabetes

Dahil dine-deprive mo ang iyong katawan ng pagkain sa umaga, mas napapakain ka ng mga unhealthy na pagkain gaya ng mga matatamis, maaalat, at fatty foods. At sa paraang ito, mas nagiging high-risk ka na magdevelop ng type 2 diabetes. 

6. Pananakit ng ulo o migraine

Ang hindi pagkain ng almusal ay pwedeng magresulta sa hypoglycemia o pagkakaroon ng mababang blood sugar. Kung nangyari ito, magrerelease ang iyong katawan ng hormones upang punan ang pagbaba ng glucose level sa iyong dugo na pwedeng maresulta sa matinding pananakit ng ulo, migraine, at high blood pressure.

7. Maaapektuhan ang iyong mood at konsentrasyon

Kailangan ng iyong utak ang pagkain at nutrisyon upang gumana ito ng mabuti. Ang hindi pagkain ng almusal ay pwedeng magresulta sa kakulangan sa enerhiya ng katawan na mauuwi sa kawalan ng konsentrasyon at pagkakaroon ng bad mood.


Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl