Skip to main content

Pitong Senyales Na Mayroon Kang Hormonal Imbalance Sa Iyong Katawan!

Ang hormones ay ang mga kemikal na substances sa ating katawan na inilalabas ng ating mga organs na pumupunta sa iba't ibang bahagi ng ating katawan upang magampanan ang mga tungkulin nito.  

Ang mga ito ay nagsasagawa bilang mga "messengers" na nag-uugnay sa bawat bahagi ng katawan upang iregulate ang body function at behavior gaya ng metabolismo, pag-hinga, digestion, paglaki, pag-galaw, sleep, stress, reproduction, at mood. 

Ang pagkakaroon ng konti o marami sa bawat hormone sa katawan ay tinatawag na hormonal imbalance na nagreresulta sa iba't ibang karamdaman. Narito ang mga senyales na mayroon kang hormonal imbalance:

1. Sobrang pagdagdag ng timbang

Isang dahilan kung bakit sobra ang iyong timbang o pagtaba ay dahil sa hormonal imbalance na cortisol o stress hormone. Dahil ito ang nag-uudyok ng sobrang pagkagutom at pagkain ng marami na nagiging dahilan kung bakit labis kang tumataba. 

2. Labis o matinding pagpapawis

Ang pagkakaroon ng hyperthyroidism o sobra sa iyong thyroid hormone ay nagdudulot ng labis o matinding pagpapawis. Ang mga taong may ganitong kondisyon ay nakakaranas din ng biglang pagbawas sa timbang, pagkabalisa, at mainitin ang katawan.

3. Pagkakaroon ng acne o mga tigyawat ng matagal

Normal lang sa mga babae na magkaroon sila ng mga tigyawat kung malapit o mayroon silang buwanang dalaw. Ngunit kung ayaw kang tigilan ng iyong mga tigyawat kahit anong linis ang ginagawa mo sa iyong mukha, ay maaaaring resulta ito pagtaas ng level ng androgen sa iyong katawan na sanhi ng pagkakaroon ng problema sa iyong balat at oil glands. 

4. Pagkalagas ng buhok o pagkakalbo

Nakakaranas ang isang tao na nasa kanyang menopausal stage o matapos manganak ng pagkalagas ng buhok dahil sa pagbabago ng kanyang estrogen level sa katawan. Ang sobrang estrogen sa katawan ay isang hormonal imbalance na nagdudulot ng pagnipis ng buhok.

5. Problema sa digestion

Ang pagkakaroon ng problema sa digestion o pagtunaw ng pagkain ay resulta ng hormonal imbalance na karaniwan sa mga babaeng menopause na. Habang tumatanda, bumababa ang produksyon ng kanyang mga hormones na dapat ay nakakatulong sana sa maayos na pagtunaw ng pagkain.

6. Pagbabago sa mood

Ang pagiging mainitin ng ulo tuwing mayroon o malapit ka ng magkaregla ay sanhi ng estrogen imbalance sa iyong katawan. Dahil dito naaapektuhan ang produksyon ng serotonin, isang hormone na nagko-kontrol sa iyong mood at emosyon kaya madaling mag-init ang iyong ulo at mas iritable ka. 

7. Labis na pagkapagod

Ang pagbaba ng level ng progesterone at thyroid hormones sa iyong katawan ay nagreresulta sa sobrang pagkaantok at kawalan ng enerhiya.

Paalala: Upang maisaayos ang pagkaranas ng hormonal imbalance, marapat na magkaroon ng tamang diyeta, kumain ng tama, ehersisyo, at pahinga. At kung ito ay labis na nakakaapekto na sa iyong pang-araw araw na gawain ay makakabuti na ikonsulta ito sa doktor. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…