Ang Pasma ay isang karamdamang kung saan may masakit na kasu-kasuan o kalamnan. Kadalasan itong nararamdaman ng mga matatanda at lalo na sa mga pagod sa trabaho. Ang pasma ay maaring dahil sa sobra at hindi wastong pag gamit ng kasukasuan o joints na nagdudulot ng 'musculoskeletal spasm'.
Madalas ka bang makaramdam ng pananakit ng kalamnan? Maaring ikaw ay may pasma o lamig sa katawan. Ang mga sintomas ng pasma ay kadalasang pananakit ng kasu-kasuan, malamig na pawis, panginginig o pagmamanhid ng parte ng katawan, at pakiramdam na parang lalagnatin o parang may sak!t.
Kung nararamdaman niyo ang mga ibang sintomas na ito, mas mainam na sundin ninyo ang mga ilang simpleng paraan para mawala ang pasma at lamig sa ating katawan:
Narito ang mga maaring gawin kung ikaw ay may pasma at lamig:
1. Ventosa
Ang ventosa o cupping method ay maaring makatulong sa pagtanggal ng lamig sa ating katawan. Ito ay uri ng paggamot na gamit ang mga cup o baso para masipsip ang lamig at toxins na namuo sa katawan.
2. Hilot, Masahe o Massage
Gamit ang mga iba’t ibang uri ng mga langis o ointment, hilutin o imasahe ito sa nananakit na parte ng katawan para maibsan o marelax ang sumasak!t na katawan at ito ay ipahinga. Ayon sa mga eksperto, mas makakabuti sa ating katawan kung tayo ay magpapahilot dalawang beses sa isang buwan.
3. Kamias at Oregano
Ang Kamias at Oregano ay maaring makatulong sa paglunas ng pasma at lamig sa ating katawan. Kumuha lamang ng 5 o higit pa ng tangkay ng kamias at 5-10 piraso ng dahon ng oregano. Ilaga at pakuluin ito ng 10-15 minuto at ihalo sa tubig na panligo. Gawin ito isang beses sa isang linggo.
4. Dahon ng Sambong
Ang sambong ay maaring makatulong din sa taong may lamig at pasma. Kumuha lamang ng 20 piraso ng dahon ng sambong. Ilaga ito at pakuluin sa loob ng 10-15 minuto at ihalo sa tubig na panligo.
5. Pahinga
Nangangailangan din ng pahinga ang ating muscle lalo na kung madalas itong magamit at para na rin marelax ang ating mga kalamnan.
Perfect
ReplyDelete