Ang okra ay isang kilalang gulay na maaring ipinangsasangkap sa ilang mga lutuin. Ang bunga nito na ay pahaba, patulis at puno ng bilog-bilog na mga buto at may malapot at madulas na katas. Ang halamang ito ay may katamtamang taas, may bulaklak na madilaw at karaniwang itinatanim sa mga taniman para sa bunga na ginugulay.
Ang bunga ng okra ay mayroong pectin, mucilage, fat at tubig. Mayroon din itong protina, lipids, carbohydrates, dietary fibers, sugars, sucrose, glucose, fructose at starch. May mineral din ito na calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, sodium, zinc, copper, manganese, selenium. May taglay din na bitamina gaya ng vitamin C, thiamin, riboflavin, niacin, pantothenic acid, folate, choline, ß-carotene, vitamin A, vitamin E, at vitamin K.
1. Diabetes
Kung ikaw ay may diabetes, mainam na kainin ang okra dahil ito ay mayaman sa fiber na siyang tumutulong sa pagiwas sa sakit na diabetes. At ang Glycemic Index(GI) na halaga nito ay itinuturing na napakababa.
2. Source Of Antioxidants
Ang okra ay naglalaman ng isang malaking bilang ng mga antioxidants tulad ng quercetin, catechin, epicatechin, procyanidin at rutin. Mabisa ito na panlaban sa mga masasamang toxins ng iyong katawan.
3. Anti-aging
Ang Vitamin C na matatagpuan sa okra ay tumutulong upang mapanatili ang ating balat na mas malabot, masigla, at makinis. Ito rin ay nakakatulong sa pag-repair ng mga nasirang tissue sa ating katawan na dulot ng pagtanda.
4. Nakakabuti para sa Mata
May taglay ito na Bitamina A at Antioxidants na tulad ng xanthein,lutein at beta carotenes na lumalaban sa mga free radicals, na siyang sumisira sa ating metabolismo at sa ating paningin. Tinuntulungan din nitong malabanan at maiwasan ang macular degeneration at katarata sa ating mga mata.
5. Para sa Puso
Nagtataglay ito ng potassium na may malaking naitutulong sa ating kalusugan. Ang potassium ay siyang nagbabalanse o nagkokontrol sa sodium para mapanatili ang kaayusan sa kalusugan ng ating katawan.
6. Nakakatulong kontrolin ang pagkagutom
Ang okra ay siksik sa soluble fibers na siyang nakakapagpabusog sayo agad upang hindi ka mapakain ng marami. Kung gusto mong magbawas ng timbang, isama ang gulay na ito sa iyong diet.
Comments
Post a Comment