Skip to main content

Tips Kung Paano Ibabalik Ang Tamis Sa Inyong Relasyon Bilang Mag-asawa!



Minsan sa isang relasyon ng mag-asawa ay darating ang panahon na mawawala ang "spark" o tamis ng inyong pagsasama. 

Bagamat noong una nang magkasintahan pa lamang kayo ay sobrang sabik kayo sa isa't-isa. Di maikukubli na darating ang oras na magiging abala kayo sa iba't ibang bagay gaya ng pagkakaroon ng mga anak, busy sa trabaho, at iba pa. Kaya ito ang ang nagiging dahilan kung bakit nagiging boring at nawawalan ng interest ang mag-asawa.

Narito ang mga tips na pwedeng gawin upang maisalba ang relasyon at muling ibalik ang tamis ng inyong pagsasamahan at pagmamahalan:

1. Magkaroon ng oras para sa isa't isa

Kahit gaano pa kayo abala sa buong araw, dapat ay magkaroon pa rin kayo ng oras sa inyong asawa. Hindi sapat na nagsasama lang kayo sa iisang bubong o natutulog sa isang kama. Magkaroon kayo ng oras para magbonding gaya ng panunuod ng sine, pagkikipagkwentuhan o paggawa ng mga bagay na pareho ninyong gusto.

2. Makipag-usap

Ang komunikasyon ay isang paraan upang maging konektado kayo ng inyong asawa. Kung mayroon kayong problema, pag-usapan ito ng maaayos upang hindi mauwi sa hindi pagkakaintindihan at pag-aaway.

3. Maging sensitibo sa bawat isa

Ang mag-asawa ay may kanya-kanyang personalidad, interes, at mga bagay na hindi gusto. Kung sa tingin mo ang iyong ginagawa ay makakaapekto sa iyong asawa, isipin mo rin ang kanyang kalagayan.

4. Mag-ayos upang maging kaakit-akit

Minsan kapag tumagal na ang relasyon ninyong mag-asawa at nakapag-palagayan na ng loob ay naisasantabi na ang pag-aayos sa sarili upang maging maganda/ gwapo sa paningin ng iyong asawa, Alalahanin na kung dati ay nag-aayos ka upang maging kaakit-akit, gawin muli ito para sayo at para sa kanya.
5. Magpakita ng pagpapahalaga

Kahit maliit na bagay gaya ng pag-puri sa iyong kapareha o pagsabi ng simpleng "i love you" ay isa nang paraan ng pagpapakita na mahalaga siya sayo. 

6. Alalahanin kung paano kayo nagkakilala

Epektibo ang paraan na ito dahil maaalala ninyo at pag-uusapan kung paano kayo unang nagkakilala, saan kayo unang nag-date, unang halik, etc. Sa paraang ito, gugunitain ninyo ang gma masasayang araw ninyo noon.

7. Magset-up ng isang romantikong paligid

Kahit mag-asawa na kayo ay kailangan mo pa rin siyang surpresahin gaya ng pagset-up ng isang surprise date o kaya naman ay bigyan siya ng mga bulaklak o regalo. Kung napasagot mo siya noong nanliligaw ka sa kanya, subukang suyuin siya muli. 

8. Maging intim@te muli

Kailangan ng bawat mag-asawa ang pagkakaroon ng intim@cy. Pwedeng dalasan ang pagyakap, paghal!k at pagsabi ng mahal kita. 

9. Magbakasyon kayong dalawa

Ang pagbabakasyon ay isang paraan upang matanggal ang stress sa inyong katawan at irefresh ang inyong mga sarili. Maaaring mamasyal sa ibang lugar o magpa-book ng isang hotel na para sa inyong dalawa lang. Sa paraang ito, mapapaigting din ang nawalang samahan.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-