Karamihan sa atin ay hindi mapigilan ang kumain o uminom ng mga matatamis na pagkain o inumin gaya ng mga doughnut, tsokolate, cake, pati na rin ang softdrinks. Hindi naman masama kung pakonti-konti lang ang kinakain mo nito, ang nakakasama ay kung sobra.
Ngunit alam niyo ba ang mga negatibong epekto ng pagkonsumo ng asukal o sugar sa ating kalusugan? Narito at alamin ang maaaring maidulot nito:
1. Diabetes
Ang iyong pancreas ang responsable sa paggawa ng insulin na tumutulong sa sugar na iyong kinain na pumunta sa iyong dugo patungo sa mga selula o cells. Ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay nagdudulot ng hirap sa iyong pancreas na gumawa ng insulin, at sa katagalan ay maaaring magresulta ito sa diabetes.
2. Arthritis
Isang dahilan ng pagkakaroon ng rayuma o pananak!t ng kasu-kasuan ay dahil sa implamasyon. Ang sugar ay naglalabas ng inflammatory proteins at hormones na nagdudulot ng matinding implamasyon sa katawan na sa huli ay pwedeng magpalala sa arthritis.
3. Problema sa paningin
Ayon sa mga pagsusuri, ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay maaaring magdulot ng pamamaga ng lente ng iyong mata na nagiging sanhi ng mga katarata. Ang epekto ng asukal sa katawan ay pinapasikip ang mga ugat sa mata na maaaring magresulta sa glaucoma at permanenteng pagkasira ng optic nerve.
4. Yeast infections
Kung mataas ang asukal sa iyong dugo, mataas din ang tyansa mong magkaroon ng yeast infection dahil nabubuhay ang mga ito dahil sa sugar. At kung dumami ang yeast sa iyong katawan, maaaring magresulta ito sa pangangati at implamasyon.
5. Problema sa balat
Kung gusto mong maiwasang ang wrinkles at agad tumanda ang balat, bawasan ang pagkain ng matatamis. Dahil ang collagen at elastin na responsable sa pagiging fresh at makinis ng balat ay madaling mawala kung mataas ang asukal sa iyong katawan.
6. Nakakasira ng ngipin
Mas madaling masira ang iyong ngipin sa pagkain ng matatamis. Dahil ang mga bakterya sa iyong bibig ay mas madaling makagaawa ng mga asido na nakakasira sa iyong tooth enamel.
7. Bumababa ang iyong brain function
Ang sobrang pagkonsumo ng asukal ay may epekto sa memorya at paggana ng utak lalo na habang tumatanda. Tumataas din ang tyansa mong magkaroon ng dementia.
8. Nakakasira sa iyong atay
Ang iyong atay ay responsable sa paglilinis o pagde-detoxify sa iyong katawan upang maalis ang mga toxins. Ang fructose ay isang uri ng asukal, na kung kinain ng maramihan ay nagiging toxin sa katawan kaya nahihirapan ang iyong atay na alisin ito sa iyong sistema.
9. Pinapasikip ang mga ugat sa puso o arteries
Ang mataas na blood sugar ay nakakasama sa mga ugat sa iyong puso dahil pwedeng magkaroon ng plaque buildup dito na maaaring magresulta sa stroke at kidney failure.
10. Pagdagdag ng timbang
Ang pangunahing dahilan ng pagiging mataba ay dahil sa pagkain at paginom ng mga matatamis na pagkain at inumin. Mas nababawasan ang pagkain mo ng mga masustansiyang pagkain kung puro matatamis ang iyong kinakain. Kaya sa huli, nadadagdagan ang iyong timbang.
Comments
Post a Comment