Skip to main content

5 Berdeng Gulay Na Makakatulong Para Sa Diabetes, Anemia At Altapresyon





Ang pagkain ng gulay ay napakaganda para sa ating kalusugan dahil sa mga taglay nitong nutrisyon. Nakakatulong ang pagkain ng gulay upang makapagbigay ng sapat na fiber na kailangan ng ating katawan. 

Ang gulay ay karaniwan na kasama natin sa pangaraw-araw na buhay. Madalas itong sangkap sa mga lutuin. Alam niyo ba na ang gulay ay mas mainam na kainin na sariwa dahil mas marami ang makukuhang nutrisyon dito? 

Mayroong mga gulay na makakatulong sa karaniwang kondisyon ng mga Pilipino tulad ng diabetes, anemia at altapresyon. Ibabahagi namin sa artikulong ito kung ano ang mga gulay na makakatulong sa ganitong kondisyon ng kalusugan.

Narito ang limang gulay na makakatulong para sa mga taong may diabetes, anemia at altapresyon:

1. Malunggay






Ang malunggay ay kilala rin sa tawag na moringa. Ito ay isang halaman na kilala at karaniwang makikita sa ating bakuran. Ito ay kilala bilang isang miracle herbal plant sa Pilipinas na madalas gawing tsaa at ipainom sa mga karamdaman.

Napatunayan ang halamang ito na mayaman sa mahahalagang bitamina at mineral na kinakailangan ng ating katawan. Kaya’t isa ito sa mga siksik sa nutrisyon na kinakailangang kainin para sa ikagaganda ng ating kalusugan. Maaari rin itong gamiting panggamot sa mga karamdaman tulad ng diabetes, high bl0od, at rayuma.

2. Kangkong

Ang kangkong ay kilala rin sa tawag na water spinach. Ito rin ay isa sa mga karaniwang makikita sa hapag kainan ng mga Pinoy. Ginagamit rin ito sa pangsahog sa mga ilang lutuin at maaari rin itong kainin at gawing salad. 

Ito ay isang uri ng halaman na gumagapang at karaniwang makikita o tumutubo sa mga basang lugar na tulad ng sa maliit na lawa. Hugis puso ang dahon nito na kulay berde. Isa ito sa mga siksik sa nutrisyon kaya mainam itong kainin para sa malusog na kalusugan at maari rin itong gamitin bilang panggamot sa mga karamadaman tulad ng hirap sa pagdumi, pag-ihi, at anemia.

3. Saluyot



Ang saluyot ay kilala rin sa tawag na Bush Okra. Isa rin itong sa mga kilalang halaman at kinakaing gulay ng mga Pinoy. Ang halamang ito ay maliit at ang dahon nito ay patusok-tusok ang gilid na kulay berde. 

Karaniwan din itong makikita na tumutubo sa mga palayan. Ito ay may taglay na nutrisyon na makatutulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan at maaari rin itong gamiting panggamot para sa malinaw na paningin at pagpapatibay ng buto at ngipin.

4. Dahon ng Sili



Ang dahon ng sili ay maaaring gamiting pansahog sa mga lutuin. Ito ay kulay berdeng dahon na maliit na hugis pabilog sa ibaba at patulis sa dulo. Karaniwan itong halaman na makikita sa mga bakuran. 

Karaniwan rin itong ginagawang sangkap sa mga lutuin dahil sa taglay nitong anghang na nakatutulong sa pagpapaganang kumain ng isang tao. Natutulungan rin nito na masaayos ang tamang pagdaloy ng dugo sa katawan. Makakatulong din ito sa mga karamdaman tulad ng pagpapababa ng blo0d pressure, bl0od sugar at cholesterol. nakakatulong sa maayos na pagtunaw ng pagkain, at pampalakas ng resistensya.

5. Talbos ng kamote
Ang talbos ng kamote ay kilala rin sa tawag na sweet potato leaf. Ito ay karaniwang tumutubo sa mga bakuran at madali lang itong tumubo at dumami. Hindi na ito kailangan lagyan ng pampataba ng halaman. Ang halamang ito ay may kulay berde na dahon at tangkay. Mayaman ito sa mga bitamina na kinakailangan ng ating katawan. Makakatulong rin ito sa mga karamdaman tulad ng anemia, dengue, at diabetes.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…