Bukod sa mga pang araw-araw nating gawain na nagdudulot ng pagkataba, mayroon din pala tayong mga nagagawa sa gabi na mas nakakapagpadagdag ng ating timbang. Hindi man natin namamalayan ito, ang mga ito ay nagdudulot pala ng masamang epekto sa katawan at ang resulta ay pagkataba.
Narito ang mga maling gawain sa gabi na dapat mo nang itigil kung ayaw mong madagdagan ang iyong timbang!
1. Pagkain ng late dinner at midnight snacks
Ang sabi nila kung gusto mong magpapayat ay huwag ng kumain ng after 6pm. Sa katunayan, ang pagkain ng late ay talaga naman nakakapagpadagdag ng timbang dahil pinapataas nito ang iyong cholesterol at insulin levels. At kung kumain ka pa ng midnight snacks ay mas tataas ang iyong calorie intake kaya mas mahihirapan kang magsunog ng taba.
2. Paginom ng kape bago matulog
Ang pag-inom ng kape sa gabi ay hindi lang nakakapagpabago sa oras ng iyong tulog kung hindi nakakapagpadagdag din pala ito ng timbang dahil sa cholorogenic acid na matatagpuan sa kape. Kung iinom ka nito ay dapat 6 oras bago matulog at mas mainam kung iinom na lamang ng maligamgam na tubig.
3. Pagpupuyat
Ang pagpupuyat ay hindi lang nakakapagpadagdag ng stress sa katawan kung hindi nakakapagpadagdag din ito ng timbang. Ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot din ng iba't ibang negatibong epekto sa kalusugan. Binabago rin nito ang iyong metabolismo kaya ang resulta ay pagkataba.
4. Paggamit ng cellphone o gadyet bago matulog
Ayon sa mga pag-aaral, ang blue light na nailalabas sa mga electronic gadgets sa gabi ay nagreresulta sa sleep deprivation at sa katagalan ay weight gain. Dahil ang mga gadgets na ito ay inaantala ang produksyon ng melatonin, isang hormone na responsable sa pagregulate ng sleep cycle.
5. Pagset ng alarm ng late
Kung sinasagad mo ang iyong alarm clock bago ka magising ay hindi rin maganda. Dahil ito ay nakakapagdulot ng stress sa iyong katawan, at ang resulta ay mahihirapan kang ikontrol ang iyong pagkagutom kaya mas mapapakain ka.
Comments
Post a Comment