Ang menstruation ay nangyayari kada buwan at ordinaryong nararanasan lang ng mga babae sa loob ng tatlo hanggang pitong araw. Kapag ang iyong period ay regular na dumadating ito ay tinatawag nang menstrual cycle. Ang pagkakaroon ng period ay para ihanda ang katawan para sa pagbubuntis.
Paano nga ba malalaman kung may hindi maganda sa iyong kalusugan kung ito ay mukhang normal naman para sayo? Tulad ng pagkakaroon ng PreMenstruation Syndrome o PMS? Kaya ipapakita sa artikulong ito ang ilang mga senyales ng pagkakaroon ng problema sa mestrual cycle hindi mo dapat balewalain.
1. Regular to Irregular
Kung ang iyong menstrual cycle ay nasa loob ng 25-30 days na may 3-7 days na pagreregla ikaw ay regular, Ngunit kapag napansin mo na nagbabago ang usual cycle mo, subukan humingi ng tulong o magtanong sa iyong ob-gynecologist tungkol sa maaaring sanhi ng pagbabago.
Ang mga health conditions na tulad ng PCOS, thyroid problems, o iba pang issues ang responsible sa pagkakaroon ng period irregularity. Maaaring isa itong sintomas ng thyroid na kailangan mong pagtuonan ng pansin.
Ang mga health conditions na tulad ng PCOS, thyroid problems, o iba pang issues ang responsible sa pagkakaroon ng period irregularity. Maaaring isa itong sintomas ng thyroid na kailangan mong pagtuonan ng pansin.
2. Hindi pa nagkakaperiod sa loob ng 90 days
Maraming dahilan kung bakit hindi ka pa nagkakaperiod sa loob ng 90 days, kabilang ang pagiging buntis o malapit nang umabot sa menopausal stage kung ikaw ay nasa edad 40 hanggang 50. Kung hindi ito ang dahilan ng iyong problema ay maaaring bumababa ang iyong timbang, hormonal issues, sobrang exercise o STDs.
3. Spotting sa gitna ng pagkakaroon ng period o kapag menopause na
Ang pagdurugo sa anumang oras bukod sa kung kailan ang iyong regla o pagkatapos mong nakaranas ng menopause ay maaaring sintomas ng fibroids. Ito ay mga palatandaan ng endometriosis mula sa isang problema sa lining ng matris.
4. Mahigit sa 7 na araw na pagdurugo ng malakas
Kung sa tingin mo ay marami kang nailalabas na dugo tuwing ikaw ay may regla o mabilis mapuso ang iyong sanitary napkin or tampons, subukang kausapin ang iyong doctor. Isa sa dahilan ng malakas na pagdudurugo ay ang hormonal changes, polyps, fibroids sa iyong matres, miscarriage/ pagkakunan, isyu sa kontraseptong IUD, o iba pang medical concerns.
5. Cramps
Kapag nakakaranas ka ng matinding cramps dahil sa paggawa ng mga regular na gawain at hindi nakakatulong ang pain relievers, ay maaaring isang senyales ito na may hindi maganda. Sa mga ganitong sitwasyon ang cramps ay maaaring sanhi ng mas malalang s4kit tulad ng uterine fibroids or endometriosis.
IMPORTANT: Ang mga naibigay ay maaari ring senyales sa iba pang karamadaman. Kaya naman mabuting magpatingin sa doctor kung madalas mo itong nararamdaman upang ito ay agad mabigyan ng atensyong medikal.
Thank you poe matanung lang poe Pag may menstration poe ako 3days or 4lang po anu ibig sabihin nun madaliapuno yung napkinko sa isang araw nagagamitko na pad 4or 5 poe tas nahihirapan ako sa unang menstrationko nang hihina ako na nahihilo at nahihirapan anu poe ba ang dapat
ReplyDelete