Skip to main content

5 Sikat Na Artista Na Nag-Audition Sa Reality TV Shows Noon Pero Hindi Natanggap


Mayroong mga artista na talagang naghangad na pumasok sa showbiz kaya sumasali sa iba't ibang tv contests o mga reality tv shows. At ang hindi nila pagkatanggap sa mga auditions na ito ay hindi ibig sabihin na tumigil na silang marating ang kanilang pangarap na makita sa TV.

Pumalpak man sila sa ilang auditions ay nabigyan pa rin sila ng ibang pagkakataon upang maging mga artista, at ngayon ay may sarili ng mga pangalan sa industrya. Narito at alamin kung sino-sino sila!

1. Alden Richards

Nakilala si Alden bilang "Pambansang Bae" at dahil na rin sa pagsikat ng kanilang love team tandem na AlDub sa Eat Bulaga. Noong mawala ang kanyang ina, ay siya na ang sumuporta sa kanyang pamilya at pangarap talaga ng kanyang ina na maging isa siyang aktor. 

Sumali siya sa iba't ibang male beauty pageats at nagtrabaho bilang part-time commercial model. Sinubukan rin niyang mag-audition sa StarStruck at Pinoy Big Brother ngunit hindi natanggap. Pero ngayon naman ay may sarili na siyang pangalan sa showbiz.


2. Maine Mendoza

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa sa Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, o mas nakilala rin bilang "YayaDub" sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Sumikat ang kanilang loveteam ni Alden Richards at iyon ang simula ng kanyang maganda career sa showbiz.

Kahit may kaya sa buhay ang pamilya ni Maine ay nag-audition din pala siya noong 2015 upang maging parte ng Pinoy Big Brother: 737 ngunit hindi ito pinalad. 

3. Nadine Lustre

Isa rin pala si Nadine sa mga nag-audition sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010 ngunit hindi siya tanggap. Noong 9 years old siya ay naging TV host siya sa children oriented show na Storyland at na-feature pa sa Disney Channel Asia. 

Ang nagbigay ng daan sa kanyang pagsikat ay ang naging lead role niya sa pelikula na Diary ng Panget kung saan niya nakatambalan si James Reid.

4. Jerome Ponce

Si Jerome ay nakilala sa telebisyon dahil sa kanyang pagganap bilang Luke sa daytime television drama series na Be Careful With My Heart na pinagbidahan nila Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Ngunit bago pa siya sumikat ay dalawang beses siyang nag-audition sa Pinoy Big Brother pero siya ay nailagay lamang sa reserved slot at hindi nakuhang makapasok sa Bahay ni Kuya.

Siya ay nadiskubre bilang isa sa mga 12 discoveries for new actors and actresses ng 2013 Star Magic Circle.

5. Kris Bernal

Pangarap na talaga ni Kris na maging artista bata pa lamang siya. Nagworkshop siya sa ABS-CBN at sumali sa Pinoy Big Brother ngunit hindi ito natanggap, natagpuan ang kapalaran niya sa pagkapanalo niya sa StarStruck ng GMA. At doon nagsimula ang kanyang pagsikat sa showbiz.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-