Marami sa atin mapababae man o lalaki ay gugustuhing maging fit ang katawan. Nacoconscious ka ba na malaki ang iyong puson o tiyan? Gusto mo ba itong lumiit, maging flat o maging fit?
Ang pagkakaroon ng malaking puson o tiyan ay kung minsan nakababa ng self-confidence dahil sa mga kadahilanang pinagkakamalan kang buntis kung ikaw ay babae o di kaya’y di ka makapagsuot ng mga fitted na damit o yung mga nauusong kasuotan na kita ang tiyan o mga low waist na pantalon.
Ang pagkakaroon ng malaking puson o tiyan ay kung minsan nakababa ng self-confidence dahil sa mga kadahilanang pinagkakamalan kang buntis kung ikaw ay babae o di kaya’y di ka makapagsuot ng mga fitted na damit o yung mga nauusong kasuotan na kita ang tiyan o mga low waist na pantalon.
Sa mga kalalakihan naman ay binibirong daig pa na ikaw ay buntis, walang abs at hindi rin makapagsuot ng mga damit na hapit sa iyong katawan. Kaya’t nakatutulong ang pagkakaroon ng tamang laki ng puson o ang pagiging fit para sa iyong self-confidence.
Marami sa atin ang gugustihin itong maging fit o mapaliit ngunit hindi mo ba alam kung paano ito gagawin? Narito ang limang simpleng pamamaraan para mawala ang malaking puson o tiyan. Basahin lamang ang mga sususunod.
1. Pag eehersisyo
Ang pageehersisyo ay napakaganda sa ating kalusugan kaya’t isa ito sa una at magandang gamiting paraan para sa pag papaliit ng tiyan o puson para mawala ang iyong bilbil. Narito ang mga ehersisyo na maaring mong gawin sa pagpapaliit ng tiyano puson.
• Curl Ups
• Sit Ups
• Jumping Jack
• Pagtakbo
2. Pagsasayaw
Ang pagsasayaw ay nakakatulong sa pagpapaliit ng tiyan o puson dahil sa mga paggalaw ng mga bahagi ng ating katawan at maganda ito sa ating katawan dahil nakakatulong din ito sa pagbabawas sa ating timbang. Makakatulong ang pagsasayaw, tulad ng:
• Belly Dancing
• Aerobic Dance
• Pole Dancing
3. Pagkain ng sapat o tama
Ang pagkain ng sapat at masusustansiyang pakain ay makakatulong sa malusog na pangangatawan, pati na rin sa pagpapaliit ng puson o tiyan. Mababawasan din ang iyong sobrang kolesterol sa katawan. Ang pagkain ng mga matatamis na pagkain ay isa rin sa mga sanhi ng pagkakaroon ng malaking puson o tiyan. Kaya kung maaaari ay iwasan ang mga ito.
4. Iwasang kumain ng Ice Cream ,Cake at Tsokolate
Ang pagkain ng mga Ice Cream,Cake, at Tsokolate ay isang numero-uno na naglalaman ng mataas na content ng asukal. Kaya naman ang pagkain nito ay mabilis na makapagpataba at makapagpalaki ng tiyan o puson ng isang tao. Hindi rin maganda sa kalusugan ang sobrang asukal sa katawan dahil maaring magkaroon ng sak!t na diabetes. Kaya’t iwasan ang pagkain ng matatamis na tulad ng cake, ice cream at tsokolate.
5. Tumigil sa paginom ng al@k at iwasan ang colored drinks
Masarap ito sa mga salo-salo ngunit ang paginom ng mga colored drinks gaya ng juice at softdrinks ay hindi maganda sa ating pangangatawan dahil napatuyan na malaki ang epektibo nito sa paglaki ng tiyan. At ayon na rin sa pananaliksik ay isa ito sa mga pangunahing dahilan ng obesity. Gayun na rin ang labis na pag-inom ng al@k. Kaya kung gust mong lumiit ang iyong puson o tiyan ay iwasan ang mga sumusunod:
• Softdrinks
• Flavored Juices
• Al@k
Pero pano po pag di napigilan ang mga bawal ??tuluyan po bang lalaki ang tiyan or puson ng isang taong may malaking puson o tiyan??
ReplyDeleteOpo kong gusto po natin lumiit ang tyan natin kailangan may kalakit na pag titiis at tyaga po☺😊
Deletepaano po kapag mataba ka at di mo kayang gawin lahat iyan? wala bang mas madaling paraan?
ReplyDeletepaano po pag uminom ng mdaming tubig tutuloy po ba ang paglaki ng puson or tyan?
ReplyDelete