
Ang iyong mga kamay at kuko ay isa sa mga parte ng katawan na nagpapahiwatig na mayroon kang problema sa iyong kalusugan. At ang alin mang hindi karaniwang itsura ng mga ito ay hindi dapat balewalain.
Ayon sa mga doktor, ang kondisyon ng iyong kamay ay nagpapahiwatig ng mga pagbabagong nagaganap sa iyong katawan. Kaya narito ang mga health problems na maaaring pinapakita ng iyong mga kamay.
1. Pamumuti o pangigitim ng mga daliri
Ito ay maaaring senyales ng mababang sirkulasyon ng dugo na tinatawag na Raynaud's Syndrome, na kung saan ang mga maliliit na bl00d vessels ay nagiging sensitibo sa pagbabago ng temperatura. Ang pangingitim o bluish color ng daliri ay maaaring senyales din ng mababang oxygen level sa katawan.
2. Pamumula ng iyong mga palad
Ang pagkakaroon ng namumulang mga palad ng walang dahilan ay maaaring sanhi ito ng isang kondisyon na tinatawag na Palmar Erythema. Ito ay isang senyales ng pagkakaroon ng liver disease, gaya ng cirrhosis at fatty liver partikular sa mga may edad na 50 pataas.
Kung may implamasyon sa iyong atay, nagkakaroon ng excess hormones ang katawan na nagreresulta sa pagdilate ng mga ugat sa kamay at paa kaya nagkakaroon ng pamumula.
3. Pagpapawis ng mga kamay o pasmado
Ang pagkakaroon ng pasmadong kamay ay isang karaniwang kondisyon na hindi masyadong pinapansin. Nararanasan ito dahil sa stress o overactive thyroid na nagpapabilis ng metabolismo. Ang matinding pagpapawis ng kamay ay tinatawag na hyperhidrosis. At kung ito ay nakakaantala na sa iyong pang-araw araw na gawain ay makakabuting ipacheck up na sa doktor.
4. Clubbed fingers
Kung ang iyong mga kuko at dulo ng daliri ay nakapaumbok ng pabilog na parang mga drumstick, possibleng dulot ito ng kakulangan ng oxygen sa iyong katawan at pwedeng senyales ng isang serious lung disease. Ang kondisyong ito ay tinatawag na "clubbing". Maaaring senyales rin ito ng heart disease.
Upang malaman kung may 'clubbing' ang iyong mga daliri, subukan ang finger clubbing test na ito. Pagdikitin lang ng paharap ang iyong mga kuko/daliri.
5. Panginginig ng mga kamay
Ang pansamantalang panginginig ng mga kamay ay maaaring dulot ng sobrang caffeine sa katawan, sobrang pagkabalisa, o mga gamot. Ngunit kung palagi mo itong nararanasan nang hindi alam ang dahilan, makakabuting magpakonsulta agad sa doktor dahil ito ay pwedeng isang maagang senyales ng Parkinson's Disease.
Ang pagcrack o pagiging marupok ng mga kuko ay maaaring sintomas ng kakulangan ng zinc sa katawan. Makukuha ang zinc sa mga pagkain gaya ng karne, oats, milk products, at nuts.
Important note: Makakabuting ikonsulta sa doktor ang alin mang mga kondisyong ito upang agad madetect kung bakit mo nararanasan ang mga senyales na ito. At upang mabigyan ito ng agarang atensyong medikal.
Comments
Post a Comment