Ang bawat babae ay kailangang panatilihing malinis ang kanilang mga pribadong parte ng katawan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang hygiene. Isa rin itong paraan upang maiwasan ang anumang impeksyon o s4kit.
Ngunit ang iba, dahil sa kagustuhan na ring maging malinis ay napapasobra na pa ito. At hindi namamalayan na nakakasama na sa kanilang kalusugan. Narito ang mga karaniwang gawain ng mga babae araw-araw sa kanilang maselang parte na dapat na ay iwasan dahil nakakasama ito.
1. Paghuhugas gamit ang matapang o mabangong sabon
Ang paggamit ng scented o mabangong sabon ay maaaring mabago ang normal na pH level sa iyong pribadong parte. Pwedeng magkaroon ng iritasyon o paghahapdi nito dahil sa mga matapang na kemikal na sangkap ng sabon. Upang maiwasan ito, gumamit na lamang ng tubig at mild, unscented soap.
2. Hindi pagpapalit agad ng basang swimsuit
Kung galing kang nagswimming, huwag hayaan nakababad ng matagal ang katawan sa basang swimsuit. Dahil kapag tumagal ito, mabilis na mabuo ang mga bakterya sa katawan na at maaaring makapasok sa iyong maselang bahagi. At ito ay pwedeng magdulot ng mga yeast infection at urinary tract infection (UTI).
3. Iniiwang basa sa pawis ang suot na pantalon o yoga pants
Kung ikaw ay galing sa exercise, maaaring basa sa pawis ang iyong suot na damit at yoga pants. At dahil mas mabilis dumami ang mga bakterya sa moist o basang lugar, pwede nilang maging breeding site ang iyong pawis na damit. Kaya kaagad magpalit kung basa ang suot.
4. Pagkain ng sobrang tamis na pagkain
Ang sobrang pagkain ng matamis na pagkain ay maaaring baguhin ang pH level ng iyong katawan. At kapag nangyari ito, magiging mas madali kang dapuan ng impeksyon at bakterya. Lalo na ang yeast na nabubuhay at dumadami sa pagkain ng matatamis.
5. Pag-aahit sa iyong buhok sa ibabang maselang parte
Hindi alam ng karamihan na ang buhok sa ibaba ay tumutulong na protektahan ang iyong maselang bahagi laban sa mga bakterya. Ang pag-aahit sa iyong bikini area at nakakapgdulot ng irritasyon na nagsasahi ng sobrang pamumula at pangangati. Mas makakabuti kung i-trim na lang ito ng pakonti konti.
6. Pagsuot ng sanitary napkin/ pantyliners ng matagal
Kung ikaw ay may regla, agad magpalit ng napkin sa loob ng 4 hanggang 6 na oras. Mapuno man ito o hindi, agad na palitan na ito upang hindi mabuo ang mga bakterya. Iwasan din ang pagsusuot lagi ng pantyliner dahil isa rin itong dahilan kung bakit nagkakaroon ng impeksyon.
Comments
Post a Comment