Madalas ka bang kumain sa mga fastfood chains, processed foods, chitchirya, at mga instant noodles? Kung nakasanayan at nahiligan mo na ang mga ito ay dapat mo nang bawasan o itigil sa mas lalong madaling panahon. Dahil ang mga pagkaing ito ay mataas sa sodium, na ang ibig sabihin ay mataas ang salt content ng mga ito.
At ang sobrang pagkain ng maaalat o maasin na pagkain ay hindi nagdudulot ng maganda sa ating katawan lalo na sa ating mga kidneys. Dahil na-ooverwork ang mga ito kung mataas ang salt content ng ating katawan. Alamin ang mga senyales na ibig sabihin ay masyado ka ng maraming kinakaing asin o maalat na pagkain!
1. Pagmamanas
Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng sodium sa katawan ay nagdudulot ng water retention o manas. Dahil ang asin ay pumipigil sa tubig sa iyong katawan na mailabas ito sa paraan ng pag-ihi. Kaya ang resulta ay naiimbak ito sa iyong katawan at nagdudulot ng pagmamanas.
2. Pagbabago sa pag-ihi
Ang pagkaipon ng sodium o asin sa katawan ay nakakapagpabago rin sa paraan ng iyong pag-ihi. Dahil ang pagkonsumo ng maasin o maaalat na pagkain ay ino-overwork ang iyong kidney upang mafilter at mailabas ito. Kaya ang resulta ay mas madalas kang maiihi at mas maraming tubig ang mawawala sa iyong katawan.
3. Labis na pagkauhaw
Kung labis ang pagkain mo ng maalat, kinakailangan ng iyong katawan ang sapat na tubig upang malinis ito at makapag-function ng mabuti ang iyong mga organs. Tandaan na ang hindi pag-inom ng sapat na tubig ay nagreresulta sa pagtuyo ng iyong mga cells kaya ka nagiging dehydrated.
4. Pagkirot ng mga buto
Nakakapagresulta rin sa marupok na mga buto ang sobrang asin sa katawan. Dahil ang iyong mga kidneys ay hindi nailalabas ang asin sa katawan kaya nagreresulta ito sa calcium loss. At ang kakulangan nito ay nagreresulta sa pagkakaroong ng marupok na mga buto, problema sa ngipin at pwedeng magdevelop sa osteoporosis.
5. Muscle cramps o pamumulikat ng mga kalamnan
Ang pagme-maintain ng tamang sodium-potassium balance ay importante sa iyong katawan dahil ang mga ito ay kinakailangan para sa tamang pagcontract ng iyong mga muscles. Kung hindi bumabalanse ito, ang iyong katawan ay makakaranas ng cramps o pamumulikat sa iyong mga kalaman.
6. Pananak!t ng ulo
Ang sobrang sodium sa katawan ay pinapataas ang volume ng iyong dugo kaya ang nangyayari ay nage-expand ang iyong mga ugat at nagdudulot ng high blood pressure. At kung mataas ang pressure sa iyong mga ugat ay pwedeng magresulta sa pananak!t ng iyong ulo.
Comments
Post a Comment