Gaya ng mga nutrients, vitamins, at minerals, isa rin sa mga kailangan nating i-monitor ay ang pH level ng katawan. Karamihan sa atin ay hindi pinapansin ang tamang pH level ng katawan.
Ngunit ito rin pala ay dapat isaalang-alang dahil ang pagkakaroon ng tama at balanseng pH ay napakaimportante sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Ang pagkakaroon ng sobrang acid sa katawan ay tinatawag na acidosis.
Narito ang mga natural na lunas at mga pagkain na dapat mong kainin kung mayroon kang acidic na pangangatawan:
1. Apple Cider Vinegar
Kahit gaano pa kaasim ang lasa ng apple cider vinegar ay kaya nito gawing alkaline ang iyong katawan kung ito ay acidic. At magandang pang-iwas din ito sa paglago ng mga bad bacteria sa iyong katawan.
Huwag itong inuming diretso, sa halip maghalo lamang ng 2 kutsarang apple cider vinegar sa isang basong tubig. Inumin 1 beses araw-araw.
2. Lemon water
Kapag ininom ang lemon water at na-metabolize na ito, nagkakaroon ito ng alkalizing effect na pangontra sa acidic mong katawan. Nakakatulong ang katas ng lemon na alisin ang excess acid sa iyong katawan.
Ihalo ang katas ng kapirasong lemon sa isang tasang maligamgam na tubig. Mas epektibo ito kung ininom sa umaga na wala pang laman ang iyong tiyan.
3. Wheatgrass juice
Isa sa mga pagkaing hindi alam ng karamihan na makakatulong sa pagkakaroong ng mataas na acid sa katawan ay ang wheatgrass. Ito ay mataas ang alkalinity at siksik pa sa amino acids at bitamina. Nakakatulong din ito na linisin o i-detoxify ang iyong katawan laban sa mga free radicals.
Magblend ng wheatgrass sa blender o juicer hanggang lumabas ang katas nito at inumin 1-2 ounce araw-araw. O kaya naman ay mas madali rin kung bibili na lamang ng powdered form ng wheatgrass at ihalo ang isang kutsarita sa isang basong tubig.
4. Celery
Isa rin ang celery sa mga gulay na may mataas ang alkalinity. Kaya nitong i-neutralize ang acid at balansehin ang pH level sa iyong katawan. Mabisa rin itong pampaihi upang matanggal ang excess fluid sa iyong katawan at pwede ring pampapayat!
Kumain ng 2 hanggang tatlong tangkay ng celery araw-araw upang hindi bumalik sa pagiging acidic ang iyong katawan. Maaari mo rin itong ihalo sa salad o iblend.
5. Avocado
Bukod sa masarap ng gawing dessert, ay may mayaman pa ito sa nutrisyon at antioxidants. Nakakatulong ang pagkain ng avocado na alisin ang acidic waste at ginagawang alkaline ang iyong katawan.
6. Spinach
Ang spinach ay mayaman sa chlorophyll na nagsisilbing alkalizing agent at kayang ibalik ang normal na level ng pH ng iyong katawan. Sagana pa ito ng mga bitamina at mineral na essential sa iyong kalusugan.
Comments
Post a Comment