Kahit saan pwedeng magtago ang mga mikrobyo sa bahay gaya ng washing machine at kitchen sink! Kaya dapat ninyong linisin mabuting ang mga bagay na ito upang makaiwas sa ano mang impeksyo o kondisyon na maaring makaapekto sa iyong kalusugan.
Ito ang ilang mga lugar sa bahay na pinagtataguan ng mga mikrobyo:
1. Kitchen Sponges
Ang kitchen sponge ay ang pinakamadumi na bagay sa inyong bahay. Dahil ayon sa isang researcher, kinakailangan na ito ay dapat dinidisinfect kada araw o kaya naman pinapalitan. Ang kitchen sponge ay ang karaniwang bagay na ginagamit pang araw araw na mas madumi pa kesa sa toilet seat.
2. Kitchen Sink
Pagtapos naman ng sponge, ang sumusunod ay ang kitchen sink o lababo na siya ang susunod na pinakamarumi na kung saan napakaraming mikrobyo ang nagtatago. Laging maghanda ng spray bottle na panlinis at wisikan ito pagtapos gamitin at banyusan ng mainit na tubig.
3. Cutting Board
Mayroong 200 times na mikrobyo ang cutting board kesa sa toilet seat ayon sa isang researcher na si Charles Gerba. Para linisin ito, ilagay ito sa dishwasher, isprayan direkta ng 5 percent na suka, at hayaan magdamag. Pagkatapos ay i-microwave ng 30 seconds o kaya punasan ng alcohol.
4. Toothbrush
Ilagay ang inyong toothbrush sa patayong position para tumulo ang natitirang tubig. At huwag hahayaan na ito ay nakalagay sa saradong case at hindi dapat nagdidikit ang mga bristles ng toothbrush sa ibang bagay. Dapat itong ibabad sa antimicrobial mouthwash para mabawasan ang mga mikrobyo.
5. Washing Machine
Kahit ang inyong mga labada ay kaya kayong lagyan ng s4kit. Siguraduhin na dapat ilagay agad sa dryer ang mga nalabahan. Ang pinakamagandang paraan para ma-sanitize ang inyong labahin ay dapat lagayan ito ng 10 percent bleach o disinfectant.
6. Indoor Garbage Can
Bigyang pansin mabuti ang basurahan sa kusina at banyo na mas maraming basura na nakalagay kesa sa kuwarto at sala. Para malinisan ang inyong garbage can takpan ito ng baking powder at punasan ang baba at gilid nito at hugasan ng tubig. Isprayan ng disinfectant pagkatapos.
7. Sandok / spatula
Ayon sa 2013 na survey, ang mga sandok ay kasama sa top 10 na pinakamaruming gamit sa inyong kusina! Natagpuan ng mga scientists na meron itong E.coli, yeast at amag. Kapag hinuhugasan na ito lagayan ng mainit na sabong tubig at hugasan ng malinis na tubig.
Comments
Post a Comment