
Gustuhin man natin o hindi, lahat tayo ay nakakaranas ng stress. Sa trabaho, sa eskwela, sa relasyon, sa pamilya, maging pisikal man, pinansyal, o emosyonal. Ito ay nangyayari sa kahit anong oras dahil ito ay isang natural na response ng ating katawan.
Sa dami ng mga bagay na pwedeng magkapagdulot ng stress sa atin, hindi natin namamalayan na ito ay nakakaapekto na sa ating kalusugan. Kaya makakabuti na malaman mo kaagad kung nakakaranas na ba ng matinding stress ang iyong katawan upang maagapan mo ito. Narito ang mga senyales ng matindi o sobrang pagka-stress!
1. Paglitaw ng mga kondisyon sa balat
Kadalasan, ang pagkakaroon ng acne, tigyawat at kung ano-ano pang sak!t sa balat ay dulot ng stress. Dahil sa pagbabago ng iyong hormonal levels, nakakaapekto ang psych0logical stress sa iyong balat.
2. Pagbago ng iyong timbang
Ang pagkaranas ng sunod sunod na stressful na pangyayari ay maaaring biglaang makapagpabago ng iyong timbang. Dahil ito sa hormone na c0rtisol na siyang nailalabas ng iyong katawan kung nakakaranas ka ng stress. Kung marami ang hormone na ito sa iyong katawan, palagi kang magugutom kaya ang resulta ay pagkataba.
Minsan, ang stress ay nakakapagpabawas din ng timbang. Dahil naman ito sa pagtaas ng adrenaline hormone na nakakapagpabilis ng metabolism na siyang nakakapagpabawas sa timbang.
3. Pagkalagas ng buhok
Naaapektuhan din ang iyong mga hair follicles tuwing nakakaranas ka ng matinding stress. Kaya ang resulta ay ang pagnipis ng buhok o kaya naman ay pagkakalbo. Ngunit may tyansa pa rin namang tumubo ulit ito kung natapos na ang iyong stress.
4. Pagiging sak!tin
Kung ang isang taong ay nakakaranas ng matinding stress, humihina ang kanyang immune system kaya ang resulta ay pagiging sak!tin. Isang rason na rin dito ay dahil sa stress, maaaring napapabayaan na niya ang kanyang sarili.
5. Pagkakaroon ng gastr0intestinal d!s0rders
Ang stress ay nagdudulot ng spasms sa iyong lalmunan. Pinapataas niyo ang acid sa iyong tiyan kaya nakakaranas ka ng pakiramdamdam na parang masusuka o hindi natunawan. Nagkakaroon din ng reaction sa iyong colon na nagdudulot ng diarrhea o constipation.
6. Nawawalan ng focus at concentration
Ang mga taong nakakaranas ng sunod sunod na stress ay nahihirapang makapagpokus sa trabaho dahil nagkakaroon ng nervous tension. Makakabuti kung magpahinga, magrelax, at magde-stress muna upang marefresh ang iyong utak.
7. Pagkakaroon ng komplikasyon o problema sa puso
Ang sobrang stress ay nagdudulot ng negatibong epekto sa ating puso. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang sobrang stress ay isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng sak!t sa puso at iba pang cardi0vascular dis*ases.
Paalala: Kaya kung nararanasan mo ang matinding stress, huminto muna at bigyan ng oras ang iyong sarili upang mag-unwind at magrelax. Dahil mas makakapagtrabaho at makakapag-isip ka ng mabuti kung narefresh ang iyong utak.
Comments
Post a Comment