
Ang potassium ay isa sa mga pinakaimportanteng mineral na kailangan ng ating katawan. Dahil ito ay tumutulong upang i-maintain ang tamang balanse ng tubig sa ating katawan, nagkokontrol ng blood pressure, at sa tamang pagtunaw ng mga protina at carbohydrates.
Bukod pa doon kailangan din ito ng katawan upang magkaroon ng malakas na muscles, maaayos na paggana ng mga nerves, at sa pangkalahatang kondisyon ng ating puso. Ang kakulangan sa potassium ay tinatawag na hypokalemia na karaniwan sa mga taong umiinom ng diuretics o mga pampaihi.
Dahilan ng pagkawala o kakulangan ng potassium sa katawan:
- Pag-inom ng antibiotics
- Pagsusuka
- Diarrhea
- Malubang karamdaman sa kidney
- Matinding pagpapawis
- Sobrang pag-inom ng al^k
- Eating disorders
- Mababang lebel ng magnesium
Narito ang mga senyales na mayroon kang potassium deficiency o kakulangan ng potassium sa katawan:
1. Panlalambot at panghihina
Ang pagkaranas ng panghihina o panlalambot na walang dahilan ay maaaring dulot ng kakulangan ng potassium sa katawan. Dahil kailangan ang mineral na ito sa tamang paggana ng ating mga selula at mga organs.
2. Muscle cramps o pamumulikat ng kasu-kasuan
Ang pamumulikat o cramps ay karaniwang nararanasan sa mga paa at binti mapa umaga man o gabi. Isa itong senyales na nagkukulangan ka ng potassium dahil kailangan ito sa tamang contraction ng iyong mga muscles.
3. Pagkapata o tumutusok-tusok na pakiramdam
Ang kakulangan sa potassium ay nakakaapekto sa mga electrical impulses sa ating nerves, spinal cord, at utak. Ang pagkakaroon ng potassium deficiency ay maaaring magdulot ng pagkapata o tumutusok-tusok na pakiramdam sa iyong kamay, daliri, binti, at paa. Nagdudulot din ito ng muscle twitching o ang inboluntaryong paggalaw ng mga kalamnan.
4. Palpitations o malakas na pagtibok ng puso
Nagdudulot din ito ng iregular na heartbeat at palpitations dahil ang pagkakaroon ng mababang lebel na potassium sa katawan ay nakakasira sa rhythmic at tamang koordinasyon ng pagtibok ng puso.
5. Mental at emosyonal na isyu
Kailangan ang potassium sa maayos na paggana ng ating utak. Dahil tumutulong ito sa nerve transmission at mga electrical impulses. Ang kakulangan sa mineral na ito ay nagdudulot ng pagkalito, pabago-bagong mood, depresyon at halusinasyon.
6. High blo0d pressure o altapresyon
Isang rason kung bakit tumataas yang iyong presyon ay dahil sa kakulangan ng potassium sa katawan na siyang kailangan upang marelax at lumuwag ang mga ugat.
7. Constipation
Ito rin ay kailangang mineral sa ating tiyan upang magkaroon ng maaayos na pagtunaw ng pagkain. Ang kakulangan nito ay maaaring magresulta sa constipation, pamamaga ng tiyan o bloating, cramps at pananak!t.
Comments
Post a Comment