Skip to main content

8 Negatibong Epekto Ng Sobrang Paggamit Ng Mga Gadgets!

Ang ating mga electronic gadgets ay isa sa mga bagay na nakakapagpadali sa ating pang araw-araw na buhay dahil sa teknolohiya. Ngunit unti-unti rin na ang mga ito ay siya ring sumisira, lalo na kung napapasobra na ang ating paggamit ng mga ito. 

Hindi mo na maikakaila na karamihan sa atin, partikular na ang mga kabataan ay naka-depende na sa kanilang mga cellphones, computers, at kung ano-ano pang mga gadgets. Narito ang mga makatotohanang rason kung bakit nakakasama na ang sobrang paggamit ng mga ito:
1. May epekto sa ating pagtulog

Madalas na kapag bago tayo matulog ay iche-check muna natin ang ating mga cellphones at social media accounts. Ang paggamit ng mga cellphones at gadgets sa gabi ay mas mataas ang ine-emit ng blue light na may negatibong epekto sa ating sleep patterns. At ang kakulangan sa tulog ay nagreresulta sa napakaraming negative health effects. 
2. Nakakasira sa iyong mga mata

Ang sobrang paggamit ng mga gadgets at computer ay maaaring magkaroon ng computer vision syndrome. Na kung saan ang taong nakakaranas nito ay nagkakaroon ng panlalabo ng mata, double vision, pagka-irita, dryness at pamumula ng mata. 

3. Maaaring magdevelop ng musculoskeletal problems

Minsan dahil sa sobrang pagkawili sa paggamit ng mga gadgets ay hindi na napapansin ang tamang posture. Kadalasan din na ang sobrang pagyuko dahil sa pagce-cellphone ay maaaring magdulot ng neck strain at pananak!t ng likod. 
4. Mayroong negatibong epekto sa pandinig ang sobrang paggamit ng earphones/headset

Ang sobrang paggamit rin ng mga earphones o headset habang nakasaksak sa ating mga gadgets ay mayroong negatibong epekto sa ating kalusugan. Ayon sa World Health Organization, 1.1 bilyong kabataan ay mataas ang tyansang magkaroon ng problema sa pandinig o hearing loss dahil sa paggamit ng matagal sa kanilang audio devices. 

5. Maaaring magdevelop ng repetitive strain injuries

Ang repetitive strain injuries ay maaaring makuha dahil sa pagka-overuse ng partikular na bahagi ng katawan. Halimbawa, ang paggamit ng keyboard at mouse ng matagalang oras ay pwedeng magresulta sa pagkakaroon ng carpal tunnel syndrome. Samantala ang labis na pagte-text ay maaaring makapinsala sa tendon sheath ng iyong hinlalaking daliri.
6. Nagdudulot ng electromagnetic radiation

Dahil sa ine-emit na radiation ng mga electronic gadgets at wifi routers, maaaring ang mga ito ay nakakapagdulot ng pananak!t ng ulo, pagkahilo, eye strain, at madaling pagkapagod. 

7. Nagiging sanhi ng obesity o pagkadagdag ng timbang

Hindi na iba sa ating panahon ngayon kung gaano karaming oras ang lumilipas at nasasayang dahil lang sa paggamit ng mga cellphones, tablets, paglalaro ng video games, panonood ng tv, at iba pa. Kaya naman karamihan din sa atin ay napapabayaan na ang pisikal na pangangatawan at naipagpapaliban na ang pag-eehersisyo na nagreresulta pagiging obese.

8. Nagreresulta sa distraction sa pagmamaneho, pag-aaral, etc.

Isa na ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga aks!dente sa daan ay dahil sa nawawalan ng konsentrasyon at pokus ang nagmamaneho dahil sa pagtingin sa kanilang mga cellphone. Ganoon na rin sa mga kabataang estudyante, minsan ay nagiging distraction na ang labis na paggamit ng gadgets sa kanilang pag-aaral. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl