
Ang ating thyroid ay isang maliit na gland na matatagpuan sa gitna ng leeg. Ito ay importante para sa paggawa ng thyroid hormones na kailangan para sa metabolismo at sa ibang pang proseso ng ating katawan.
Mayroon paring mga tao na apektado sa pagkakaroon ng problema sa thyroid ngunit ipinagsasawalang bahala lang nila ito. At kung patuloy itong nag-malfunction at hindi nalunasan ay magdudulot ito ng ibang ibang malubhang karamdaman sa ating katawan.
Kaya narito ang mga importanteng senyales na dapat mong malaman upang agad malaman kung mayroon kang problema sa iyong thyroid.
1. Biglaan pagbabago ng timbang
Ang biglaang pagbaba o pagdadag ng timbang ay dapat ikabahala. Dahil isa itong warning sign na maaaring nagma-malfunction ang iyong thyroid gland. Ang pagdadag ng timbang kahit ikaw ay nagdidiet ay maaaring ibig sabihin na mababa lang iyong thyroid hormone levels. Kaya kung nababahala ka ay mas makakabuting ipasuri ito agad.
2. Hair loss o pagkakalbo
Ang pagtubo ng iyong buhok ay dumedepende sa maaayos na pag-function ng iyong thyroid gland. At kung nakakaranas ka nito ay maaaring dahil may problema sa iyong thyroid. Ang pagkakaroon ng mababang thyroid hormone levels ay nagdudulot ng pagnipis o pagkakalbo ng buhok.
3. Pagbabago sa pagbabawas o pagdumi
Importante rin ang thyroid hormones para sa maayos na pagbabawas ng dumi. Ang pagkakaroon ng underactive thyroid ay maaaring magdulot ng constipation, samantalang ang overactive thyroid ay pwedeng magresulta sa palagiang pagdudumi.
4. Naiinitan o nilalamig ng hindi alam ang dahilan
Ang pagbabago sa level ng thyroid hormones ay maaaring baguhin din ang kakayahan ng iyong katawan na iregulate ang body temperature. Kung madalas na malamig ang iyong kamay o paa kahit sa hindi malamig na kapaligiran ay maaaring ibig sabihin na mayroong kang hypthyr0idism.
5. Depresyon o pagkabalisa
Ang kakulangan sa produksyon ng thyroid hormone ay may direktang epekto sa utak. Kaya ang taong mayroong ganito ay maaaring makaranas ng mood swings, depression, pagkabalisa, o panic attacks ng walang dahilan.
6. Pagbabago sa boses at size ng leeg
Kung napapansing lumalaki ang leeg ng hindi alam ang dahilan, namamalat o palaging paos ay maaaring mayroon kang problema sa iyong thyroid. Lalo na kung nakakaranas ka ng pananak!t sa iyong leeg ay maaari itong thyroid!tis o g0iter. Kaya ipatingin agad sa espesyalista.
7. Matinding panunuyo ng balat o excessive dryness
Kung mababa ang iyong thyroid hormone levels, ito ay nagreresulta sa panunuyo, pagbibitak-bitak, at pamumutla ng balat. Ang ilan pang sintomas ng hyp0thyr0idism ay pagkulubot ng balat, pagbabago ng kulay ng balat, pagmamanas, pagkapal ng kuko, at pangangati sa balat o ecz3ma.
8. Iregular na regla/ m3nstrual problems
Kadalasan ang mga babaeng mayroong problema sa thyroid ay nagkakaroon din ng m3nstrual problems. Sa katotohanan, kung ikaw ay may thyroid problem nagdudulot ito ng maaga o delayed na puberty at m3nstruation. At dahil dito kung kaya't nagkakaroon ng iregular na periods ang isang babae.
Comments
Post a Comment