Marami sa atin na hindi nalalaman kung ano ang Arugula. Minsan o madalas tayong nakakita ng fresh salad o nakakain nito ngunit hindi natin alam na kasama na rito ang berdeng dahon na Arugula. Ano nga ba ang arugula? At ano ang magandang benepisyo nito sa ating katawan?
Ang arugula ay isang halamang herbal na kulay berde at kilala itong kamag anak ng mustasa. Ito ay lumalaki kasing tulad ng lettuce at ang dahon nito ay maaring pitasin kapag matingkad na kulay berde na ito. Ang kaniyang dahon ay lumalaki sa haba ng 3-8 pulgada. Ang lasa ng dahon nito ay combinasyong lasa na mainit na maanghang-anghang at amoy paminta, mas matindi ang amoy at lasa nito kapag ang mga matatandang dahon nito ang gagamiting sangkap o kakainin.
Alam niyo ba na ang arugula ay may taglay na magandang benepisyo sa ating kalusugan? Narito at alamin natin kung ano ang mga benepisyong maaring makuha rito.
1. Nakakapagpalakas ng immune system o resistensya
Ito ay naglalaman ng mga bitamina at minerals na kinakailangan ng ating katawan na siyang nakakatutulong upang mapalakas ang ating immune system. Dahil sa mga taglay na bitamina nito lumalakas ang ating immune system kaya’t ang ating kalusugan ay gumaganda o nasasaayos at nalalayo sa mga karamdaman.
2. Pang-iwas sa K*ns3r
Ayon sa mga pag-aaral, makatutulong ang arugula sa paggamot at makaiiwas sa sakit na k*ns3r. May taglay itong nakapagpapalusog ng ating katawan dahil ito ay mayaman sa antioxidants na siyang nakakatutulong sa paglusog ng ating katawan at ang iba nitong content ay pinapahina o pinapatay nito ang mga bad cells sa katawan.
3. Pangiwas sa Osteoporosis at Diabetes
Nagtataglay rin ito ng bitamina na nakatulong sa pagpapatibay ng mga buto sa ating katawan kaya’t mabuti ito upang makaiwasa ang osteoporosis. Nakakatulong din ito sa pagpapababa ng blood sugar upang maiwasan ang diabetes.
4. Nagpapaganda ng paningin
Ito ay nagtataglay ng mga content na makakatulong sa paglinaw ng iyong paningin upang makakita ng husto. Pinapababa o pinababagal nito at kayang tanggalin ang panlalabo ng iyong paningin. Ang mga mahilig sa pagkain nito ay makatutulong sa pagbagal ng panlalabo ng mata sa pagtanda.
5. Pambawas sa timbang
Kung ikaw ay gustong mapababa ang iyong timbang ay maaaring isama ito sa iyong listahan. Makatutulong ito sa pagpapababa ng iyong timbang dahil nagtataglay ito ng mabilis na pantunaw sa kinain at makatutulong din ito sa pagbabalanse ng iyong pangangatawan.
Comments
Post a Comment