Si Hazel Pascual Reyes o mas kilala bilang si Ara Mina sa showbiz ay nakilala bilang isang aktres, singer, recording artist, endorser, at entrepreneur. Ipinanganak noong May 3, 1979. Ang kanyang anak ay si Amanda Gabrielle Meneses at ang kaniyang asawa ay ang Bulacan Mayor na si Patrick Meneses.
Nagsimula si Ara Mina sa showbiz noong 14 taong gulang pa lamang sa palabas na, "That's Entertainment." Marami na rin siyang nagawang mga proyekto mapa telebisyon man ito o pelikula tulad na lang ng Mulawin at Mano Po.
Naawardan siya bilang Best Actress sa "Mano Po" noong 2002 sa Metro Manila Film Festival at sa sumunod pang taon ay muli siyang nabigyan ng parangal ng 3 beses na Best Actress Award na nanggaling sa Manila Film Festival, FAMAS, at Golden Screen Awards sa pelikulang, "Ang Huling Birhen Sa Lupa." Noong 2004 naman ay muli siyang nakatanggap ng parangal bilang Best Supporting Actress sa pagganap bilang Luna sa "Minsan Pa" na galing sa Golden Screen Awards at Star Awards.
Bukod sa pagiging aktress ay nagkaroon din siya ng mga album na pumatok sa mga Pilipino. Nakatanggap rin siya ng award na Gold Record Award. At laging nananalo bilang "Darling of the Press" sa kanyang 24 na taon sa industriya ng Philippine Showbiz.
Bukod sa pamamayagpag niya sa showbiz, ay natamo rin ang kanyang success sa pagpapatayo ng kanyang sariling skin care line, ang Ara's secret. At noong 2012 nang makatanggap siya ng maraming papuri sa mga gumagamit nito.
Noong 2017 naman ay muli siyang nagtayo ng kanyang panibagong business, ang "HazelBerry Cafe" na matatagpuan sa Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights, Quezon City. Na nag-oofer ng mga comfort foods, kape at ang kaniyang sariling gawa na mga pastries at baked goods. Ayon din kay Ara ay noong taong 2013 pa siya nagba-bake at tumatanggap ng mga orders ng cupcakes, cookies, at sumasali sa mga bazaar. Kaya nagpasya ito na magtayo na lang ng kaniyang sariling cafe bakeshop.
Idinagdag pa ng aktresna kaya HazelBerry Cafe ang kanyang ipinangalan sa kanyang business dahil noong nagkaroon siya dati ng BlackBerry na cellphone na may BBM ay pangalan niya doong ay HazelBerry. Kaya noong nagstart siyang magbake at naisip na lamang niya itong gamitin. At iyan na nga ang kanyang ipinangalan din sa kanyang cafe. Ang Hazel ang kanyang tunay na pangalan.
Tumulong at sumusuporta rin si Ara Mina sa mga batang may kanpansanan sa pamamagitan ng kaniyang Ara Mina Foundation. Ang kaniyang dahilan at inspirasyon sa likod nito ay ang kaniyang kapatid na ipinanganak na may Down's Syndrome.
Comments
Post a Comment