Nakakaranas ka ba ng pagmamanhid, panghihinga, pananak!t, o hindi maipaliwanag na pangangati sa iyong kamay? Maaaring ang nararamdaman mong iyan ay tinatawag na paresthesia.
Ano ba ang Paresthesia?
Ito ay ang pagkakaroon ng mga abnormal sensation sa iyong katawan partikular sa iyong mga kamay, braso, binti, at paa. Ang taong mayroon nito ay nakakaranas ng pagmamanhid, panghihina, tinutusok-tusok na pakiramdam at matinding pananak!t sa mga nasabing bahagi ng katawan.
Maaaring ang kondisyon ito ay pansamantala lang, ngunit pwede rin itong magtagal at nagreresulta sa pagkaantala ng iyong pang araw-araw na gawain.
Mga sanhi kung bakit nararanasan ito:
Temporary Paresthesia
- Paggamit ng pwersa sa iyong kamay na ang reresulta sa pressure
- Pagkaka-expose sa malamig na temperatura
- Mababang sirkulasyon ng dugo
- Maling posisyon sa pagtulog
Chronic Paresthesia
- Stroke
- Pagkakaroon ng nutrient o vitamin deficiency
- High blood pressure
- Diabetes
- Paulit-ulit na paggalaw o repetitive movements
- Nerve injury
- Problema sa spinal cord o brain
Mga Natural Na Paraan Para Malunasan Ito
1. Warm Compress
Makakatulong ang pag-aapply ng warm compress sa apektadong bahagi upang gumanda ang sirkulasyon ng dugo dito at upang guminhawa ang pakiramdam.
- Ibabad lamang ang isang bimpo sa maligamgam na tubig
- Pigain ito at itapal sa apektadong bahagi
- Maaari rin naman gumamit ng heating pad
- Ulitin ilang beses sa isang araw
2. Imassage
Nakakatulong din ang pagmasahe upang bumalik ang regular na sirkulasyon ng dugo at mabawasan ang pagkaranas ng paresthesia. Nakakatulong ding ma-istimulate ang iyong mga nerves.
- Gumamit ng oil at imasahe ng paikot o circular motion ang apektadong bahagi sa loob ng limang minuto
3. Castor oil
Ang castor oil ay mabisa upang guminhawa ang pakiramdam dulot ng paresthesia. Dahil kaya nitong tumagos hanggang sa iyong mga tissues at mayroong balancing effect sa katawan.
- Ibabad ang tela sa castor oil at itapal ito sa apektadong bahagi
- Ibalot ng plastic wrap at ipatong ang heating pad sa loob ng 20 minuto
- Ngunit iwanan ang nakabalot na tela na may castor oil sa apektadong bahagi buong gabi
- Ulitin 4-5 beses sa isang linggo
4. Uminom ng tsaa gawa sa luya
Nakakatulong ang pag-inom ng tsaa na gawa sa luya upang umayos ang sirkulasyon ng dugo at mayroon din itong pampainit na epekto sa katawan. Magpakulo ng ilang hiwa ng luya sa 2 tasang tubig at saka inumin araw-araw.
5. Magsuot ng splint sa gabi
Upang mabawasan ang pagkakaipit ng mga ugat habang ikaw ay natutulog, mainam na magsuot ng splint na inirekomenda ng iyong doktor.
Comments
Post a Comment