Ang ulcer ay mga butas sa ating lining ng tiyan na nagpo-protekta sa mga parte ng ating bituka o sa tiyan. Ang ulcer ay maaaring makuha mula sa stress, sobrang dami na paglalabas ng acido sa tiyan, maling nakasanayan na sobrang pagkain ng matataba at oily foods o kaya naman ang pagpapalipas ng gutom. Ito ay ilan lamang sa sanhi ng ulcer.
Ang mga ito ay pinapaniwalaang nakadaragdag sa pagdami ng acido sa tiyan at nakakawasak ng mga linings na nag proprotekta sa ating tiyan.
Ayon sa mga eksperto ang mga tao na mahilig na manig4rilyo at uminom ng al4k ay mas madaling tamaan ng stomach ulcer. Bagamat ang labis na paglabas ng asido sa tiyan ay may kontribusyon sa sa pagdami ng ulcer. Ito ang ilang dapat tandaan na sintomas at lunas sa pagkakaroon ng ulcer.
Mga Sintomas ng Ulcer
1. Gastiritis
Ito ay ang pamamaga ng sikmura at kawalan ng ginhawa sa gitnang bahagi ng itaas ng sikmura at paulit-ulit nararamdaman ang panan@kit ng tiyan
2. Palaging nakakaramdaman ng sakit sa sikmura
3. Malaking pagkabawas sa timbang
4. Kawalan ng ganang kumain
5. Problema sa paglunok
6. Pagsusuka ng dugo
7. Paglabas ng maitim/ may dugo na dumi
Ang Lunas para sa Ulcer:
1. Mga gamot na sumasagabal sa pagbabawas ng produksyon ng acido. Acid Blockers kung tawagin ay ang karaniwang nagbabawas ng asido sa tiyan na lumalabas sa ating digestive tract.
2. Mga gamot na nagpo-protekta sa sa lining ng iyong tiyan at maliliit na bituka. Ang iyong doktor ay maaaring makapagreseta ng gamot na tumutulong sa pag protekta ng mga tissues sa ating tiyan at maliit na bituka.
3. Mamili ng masustansiyang mga pagkain gaya ng mga gulay at prutas na nagbibigay bitamina sa ating katawan.
4, Ang pag-kontrol sa stress. Ito ay ang nag papaalala ng mga sintomas ng ulcer.
5. Huwag manig@rilyo dahil pinapadami nito ang asido sa ating katawan.
6. Kumain sa tamang oras at iwasan ang magpalipas ng gutom
7. Iwasan ang paginom ng al4k.
Comments
Post a Comment