Skip to main content

Alden Richards Pinangakuan Ang Isang Lola Na Susustentuhan Niya Buwan-buwan!

Isa si Alden Richards bilang isa sa mga fast rising stars ng industriya ng showbiz. Mas lalong nakilala at sumikat dahil sa tambalan nila ng kanyang co-host na si Maine Mendoza. Marami na ang kanyang fans dahil sa pagiging humble niya sa mga tao.

At mas lalo pa siyang hinangaan pati na rin ng kanyang mga co-hosts sa Eat Bulaga ng may tinulungan siyang isang matanda at pinangakuan na susustentuhan niya ito buwan-buwan.

Sa isang segment nila na Juan For All, All For Juan noong June 9 ay napili ang isang lola na nagngangalang Lola Alberta. Lumambot ang puso ni Alden dahil naalala nito ang kanyang lola na nag-alaga sa kanya noon. 

Ang 81 na taong gulang na si Lola Alberta ay nangungupahan lamang sa isang maliit na kwarto sa isang apartment. Malayo siya sa kanyang mga kamag-anak at sa edad pa niyang eto ay nagtatrabaho pa siya bilang tagahugas ng pinggan sa isang karinderya at kumikita lamang ng 100 piso kada araw. 

Kung iisipin, dapat sa ganitong edad niya ay dapat na nagpapahinga na lamang siya. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay pinipilit pa rin niyang kumayod upang mabuhay. 

Matapos ang pagbisita at pamimigay ng premyo nila Jose Manalo at Wally Bayola kay Lola Alberta ay may ipinahabol na mensahe si Alden sa kanya.

Ang sabi ng aktor:
"Nay, kasi may lola din po akong kagaya niyo. Para di na po kayo naghihirap maghugas ng pinggan, para hindi po namamanhid ang kamay niyo, ako na po magpapadala sa inyo ng additional allowance buwan-buwan para makatulong pa sa inyo po."

Para daw kahit maubos man ang sustento na binibigay sa kanya ng mga kamag-anak ay mayroon pa itong buwan-buwan na allowance na galing kay Alden. 

Napaiyak sa tuwa ang matanda at sobrang nagpapasalamat sa aktor. Samantalang pinaalalahanan pa ni Alden na dapat ay alagaan ang sarili.

Napahanga rin niya ang kanyang mga co-hosts na sina Wally at Jose at sinabi na mabait daw talaga na bata yang si Alden kahit nasa likod man siya ng camera. Marami daw ang lumalapit upang humingi ng tulong. At walang dalawang salita ay iaabot niya ang tulong sa nangangailangan hangga't kaya niya.







Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-