Ang PAG-IBIG Fund o sa ibang tawag ay Home Development Mutual Fund ay isa sa mga programa na pang nasyonal para makapagipon ng pera. Ang nais lamang ng PAG-IBIG Fund ay ang magkaroon ng hangarin na maka-bili ang bawat mamamayang Pilipino ng sarili nilang bahay para sa kanilang pamilya. Sa tulong ng PAG-IBIG Fund magkakaroon pondo ang isang miyembro para sa kanilang pangarap na makapagtayo ng kanilang sariling bahay.
Naitatag ang PAG-IBIG Fund noong June 11, 1978 sa kasalukuyang Presidential Decree 1530 ng dating Presidente na si Ferdinand Marcos at nasa ilalim ng PD 1530. Ang programma ng SSS at GSIS ay ang mag hahawak sa pondo ng PAG-IBIG. Bagama’t noong nakaraang taong March 1, 1979 ang pangangasiwa ng PAG-IBIG Fund ay inilipat sa National Home Mortage Finance Corporation sa ilalim ng Ministry of Human Setlements.
Sino ang maaaring maging miyembro ng PAG-IBIG at ano ang makukuhang benepisyo?
Maaring maging miyembro ng PAG-IBIG kapag ikaw ay:
- Wala pa sa edad na 60 pataas
- Empleyado o trabahador na nasa 60 pababa
- Isang katulong na ang sahod ay pataas ng 1000 piso
- Driver, hardinero, yaya at kusinera
- Seaman na may contract of employment
- Kapag pag mamayari mo ang business
- Lahat ng OFW
Ano ang mga benepisyong pwedeng makuha?
1. Ang pondo na inipon ng miyembro ay pwedeng i-withdraw kapag retiro na siya, nagkaroon ng pinsala sa kanyang katawan na permanent damage, nagkasak!t ang miyembro, o nam@t@y.
2. Nagsisilbi ito bilang calamity loan na kapag ang isang miyembro ay nakapaghulog na sa loob ng 24 na buwan. At sa loob ng 6 na buwan bago mag apply sa muliti-purpose loan ay maaari na siyang mag-apply ng loan at humiram ng hanggang 80 percent na lahat ng kanyang hinulog. Maaari rin ito na mag-apply kapag napinsala ng isang kalamidad gaya ng bagyo, baha o lindol.
3. Ang benepisyo pa nito ay ang housing loan kahit na hindi nais na magpagawa ng bahay ay mas mainam na kung maglaan ng karagdagang pondo o ipon sa PAG-IBIG Fund para makatulong ito sa mga nais makapag tayo ng kanilang sariling bahay sa pamamagitan ng tulong sapag iimpok ng pera sa PAG-IBIG Fund.
Paano maging miyembro ng PAG-IBIG?
Ayon sa isang batas na 1752, ang pagiging miyembro ng SSS o Social Security System ay nangangahulugan na ikaw ay isa ring miyembro ng PAG-IBIG. Sa mga karagdagan detalye at proseso, pumunta lamang sa mga malapit na PAG-IBIG office sa inyong lugar.
Comments
Post a Comment