Napabakunahan na ba ang iyong anak? Importante ang pagbabakuna dahil ito ay nagpapalakas ng immune system ng tao at kapag lumakas ang immune system ng isang bata o sanggol ay nagsisilbi itong proteksyon sa mga bata mula sa mga impeksyon. Kaya narito ang ilang mga rekomendadong bakuna o immunization sa mga sanggol pa lamang mula 0 hanggang 12 na buwan ayon sa Philippine Pediatric Society.
Maaaring maiba ang skedyul ng pagbabakuna kung hindi pa nauumpisahan ang pagpapabakuna o di kaya ay nahuhuli na sa mga bakuna. Kung may nangyaring pagbabago mabuting ikunsulta muna ito sa doktor.
Narito ang mga bakuna para sa nga sanggol na nasa 12 buwan pababa:
1. Hepatitis B
Ang Hepatitis B ay isang mapanganib na impeksyon sa atay. Maaari ito magdulot ng iba't ibang komplikasyon. Ito ay karaniwang itinuturok sa bandang tadyang ng sanggol ng tatlong beses.
Ang unang beses ay sa pagkapanganak ng baby o sa loob ng unang buwan. Matapos ang apat na linggo ng bakuna ay tuturukan na muli ang bata. Ang pangatlong bakuna ay kapag lumipas ang apat na linggo pagkatapos ng pangalawang bakuna.
2. BCG
Mabisa itong panlaban sa mga s4kit na tuberculosis gaya ng TB meningitis at TB sa buto. Itinuturok ito ng isang beses sa braso ng sanggol pagkapanganak.
3. BAKUNA SA POLIO o OPV
Ang bakuna sa polio ay ginagawa rin ng tatlong beses tulad ng sa DPT ngunit ito naman ay ipinapainom sa bibig. Ginagawa ang OPV o bakuna laban sa polio para labanan ang isang s4kit na nakakaapekto sa pagmature ng katawan at sanhi ng pagiging lumpo noong unang panahon na titatawag na polio.
4. DPT: DIPTHERIA, PERTUSSIS, TETANUS
Ito ay isang bakuna na nilalabanan ang tatlong impeksyon. Ang Diptheria ay isang bacterial infection na naaapektuhan ang mucuous membrane ng lalamunan at ilong. Ang Pertusis ay isang nakakahawang respiratory disease na ang sintomas ay malalang ubo. Ang Tetanus naman ay nakukuha ng bata kung siya ay nasusugat lalo na sa mga may kalawang na bagay. Ang tatlong impeksyon na ito ay delikado kung makakaapekto sa bata kaya naman sila binabakunahan ng tatlong beses sa tadyang.
- Unang beses: ika-6 na linggo
- Pangalawa: ika-10 na linggo
- Pangatlo: ika-14 na linggo
5. MEASLES VACCINE O BAKUNA SA TIGDAS/MEASLES
Kung ang bata ay nagkakaroon ng pantal-pantal sa balat na may kasamang s4kit na parang trangkaso ang tawag dito ay measles o tigdas. Upang maiwasan ang pagkakaroon nito sa mga bata ay binabakunahan sila sa braso ng isang beses sa kanilang ika-9 na buwan.
1. MMRV: BEKE, TIGDAS, TIGDAS-HANGIN, AT BULUTONG
Naisipan ng mga doctor na pagsamahin na lamang ang MMR at VZV na kung saan isang turukan na laman ang nangyayari para sa bakuna ng beke, tigdas, tigdas hangin at bulutong. Dahil ayaw ng mga bata ang magpabakuna sa kaisipang mas@kit ito para sa kanila.
2. VZV: BAKUNA SA BULUTONG
Pamilyar na sa lahat ang bulutong dahil isa itong nakakahawang sakit at kapag siya ay naturukan ng bakuna sa bulutong ay posibleng hindi na magkaroon pa nito ang mga bata. Gaya ng MMR, dalawang beses rin ito itinuturok sa braso ng may parehong pagkakataon.
3. MMR: BAKUNA SA BEKE, TIGDAS, AT TIGDAS-HANGIN
Ito ay tinuturok sa braso ng dalawang beses upang hindi mahawa sa s4kit na beke, tigdas o tigdas hangin.
- Unang beses: unang kaarawan o 1 taong gulang
- Pangalawa: 4-6 na taong gulang
4. HPV VACCINE: PARA SA MGA DALAGA
Ang HPV ay isang uri ng virus na nagbubunga ng kulugo o warts sa mga dalaga na maaari ring pagmulan ng k*ns3r sa cervix. Itinuturok ito sa braso ng tatlong beses.
- Unang beses: 10 hanggang 18 taong gulang
- Pangalawa: Isang buwan matapos ang unang bakuna
- Pangatlo: Limang buwan matapos ang ikalawang bakuna
5. HEPATITIS A VACCINE: BAKUNA SA HEPA A
Nakukuha ang hepatitis A sa kinakain ng bata at kahit hindi naman ito kasing lala ng hepatitis B nagdudulot pa rin ito ng paninilaw ng balat sa mga bata.
- Unang beses: unang kaarawan o 1 taong gulang
- Pangalawa: 6-12 na buwan matapos ang unang beses
IMPORTANTE: Siguraduhing may listahan kayo ng inyong mga pagpapabakuna para maiwasan ang pagkadoble ng turok. Importanteng lisensyado ang inyong doktor at malinis ang pasilidad ng inyong pinagpapabakunahan upang malayo sa kapahamakan ang inyong anak. Huwag alalahanin ang mga gastusin para rito dahil maaari itong makuha sa pinakamalapit na health center ng mura o libre mula sa gobyerno.
source:kalusugan.ph
Comments
Post a Comment