Talaga namang nakaka-proud ang mga nagagawang imbensyon ng mga Pinoy. At mas naging kahanga-hanga pa dahil ang 20 anyos na batang lalaking ito ay nakagawa ng mga iba't ibang Do-it-yourself na imbensyon.
Kinilala ang binatilyong ito na si Angelo Casimiro, 20 taong gulang na isang Communications and Electronics Engineering student ng De La Salle University. Sampung taong gulang pa lamang siya noon nang sinimulan niya ang pagiimbento ng iba't ibang mga gamit at gadgets.
Naging laman din siya ng mga balita partikular na ng ma-feature siya sa History channel.
Taong 2014 nang naging popular ang kanyang imbensyong "energy generating shoes" na kung saan nakagawa siya ng in-sole generator. Ang paggalaw ng isang tao habang suot ang sapatos na ito ay pwedeng ma-convert sa enerhiya upang makapag-charge ng mga gadgets gaya ng cellphone. At pwedeng maging motivation ito ng mga tao upang tumakbo, maglakad o gumalaw.
Ayon sa kanyang ginawang mga test, kaya daw na maka-pagcharge ng sapatos na ito ng 400mAh lithium ion battery sa pamamagitan ng pagjo-jogging sa loob ng 1 oras. Ito rin ang kanyang naging winning entry sa 2014 Google Science Fair.
Bukod sa kanyang mga nagawang imbensyon, ang pinakapaborito daw niyang nagawa ay ang kanyang own working version ng BB-8, isang robotic unit na makikita sa internati on movie na Star Wars.
Ang ginamit niyang materyales para dito ay beach ball, bote ng mga deodorant, at router antenna lamang. At maaari niyang makontrol ito gamit lang ang kanyang smartphone.
Nakagawa rin siya ng powerbank na kayang magcharge ng isang gaming laptop o kahit anong appliance sa bahay. Isa rin sa kanyang mga pinaka-popular na video online ay ang smartphone projector na umabot na sa higit 12 million likes.
Ilan pa sa mga naging imbensyon ni Angelo ay ang smartphone film scanner, healthband vital sign monitor, water-powered flashlight, bookshelf speakers, at napakarami pang iba. Higit na sa 66 ang proyekto niyang nagawa.
Ayon sa kanya, isang masayang experience ang paggawa niya ng ganitong mga projects dahil nagagawa niyang makatotohanan ang kanyang mga ideya.
Siguradong malayo ang mararating ng batang ito, at ngayon pa lamang ay kinaka-hangaan na siya at ipinagmamalaki ng maraming Pilipino!
Comments
Post a Comment